Spectacular: Twenty Seven

308K 16.3K 5.3K
                                    

27.

Naalimpungatan ako dahil sa magkakasunod na katok sa pinto ng aming hotel room. Bumangon ako mula sa kama. Wala si Pia sa kanyang higaan. Sinilip ko ang labas ng bintana mula sa siwang ng kurtina. Umaga na.

Tahimik na natutulog si Rhea sa aking tabi. She shifted position and groaned. Dapat nakapag impake na kami. We will leave the resort after breakfast.

Muli kong narinig ang katok. Binuksan ko ang pintuan. I was greeted by the anxious face of Charlie.

"Charlie, anong problema?"

"Nagpaalam ba si Gavin sayo?"

Natigilan ako. "Nag paalam?"

"Pag gising namin wala na siya."

Nanlamig ang buo kong katawan. I stared at him. Lumipas ang minuto bago ako nakapagsalita.

"What do you mean wala siya?"

"Wala na ang gamit niya. Lahat."

Nangilabot ako sa narinig. No. "Where is everyone?"

"Bumaba si Pia at Lawrence para tanungin ang hotel management."

Agad kong kinuha ang jacket ko sa loob ng kwarto. "Kailangan ko silang puntahan."

Bumaba kami ni Charlie sa lobby. My hands were trembling as we waited inside the elevator. Nanghihina ako. Pagbukas ng pintuan agad naming nakita si Lawrence at Pia na kausap ang tao sa reception desk. Pia was anxious. She kept tapping her worn out shoes on the marble floor.

"Nag check out po si Mr. Nicholo ng three thirty ng madaling araw."

"Imposible." Narinig kong sinabi ni Pia. "Kasama namin siya hanggang alas dos ng madaling araw. We were the one running in the lobby at two last night."

"Mr. Nicholo said you were informed." The receptionist said calmly. "May problema po ba?"

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Pia. She was holding back emotions in front of the receptionist. Gavin didn't say anything. He lied.

Nagpasalamat si Pia sa receptionist bago umalis. Tahimik na sumunod si Lawrence.

"Kasama niyo siyang natulog hindi ba?" Tanong ni Pia sa kanya.

Tumango si Lawrence. "Magkakasama kaming natulog sa kwarto."

Timigil si Pia sa paglalakad nang makita kami ni Charlie. She tried to smile. Pilit na tinago ni Pia ang pangamba sa kanyang mukha.

"Gising na pala kayo."

"Pia..."

Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin. Sari saring tanong ang pumasok sa aking isip.

"I'm sure there is a proper explanation for this. Baka may emergency kaya hindi na siya nakapag paalam."

I bit my lips. We all know that Pia was just trying to calm as down.

"Let's call Sir Ryan. Mabuti pa mag empake na tayo. We need to check out at eight AM."

Bumalik kami sa itaas. Nanatili akong tahimik. Wala sa amin ang nagbangit ng mga nalaman namin sa lobby. Noong nasa tapat na kami ng pintuan ng aming hotel room tumawag si Pia kay Sir Ryan.

He was supposed to be with us in this convention. Pero hindi na siya nakasunod dahil mas kailangan niyang asikasuhin ang kanyang pamilya. We were hoping he know what was up.

"Noong isang araw pa niya sinabi sa akin." Sinabi ni Sir Ryan mula sa speaker ng phone. "Mauuna daw siyang umalis dyan sa La Union. Hindi ba siya nag paalam sa inyo?"

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon