Spectacular: Six

495K 20K 3.9K
                                    

6.

Huminto ang minivan matapos ang twenty minutes na byahe. Pinagmasdan ko ang hinintuan namin. Isang bahay na may katabing coffee shop. Binuksan ni Gavin ang pinto at naunang bumaba saka kami sumunod. Nang makalabas na ang halos lahat, akmang pupunta na sa loob si Charlie, Lawrence, at Gavin nang pigilan sila ni Pia.

"Hoy hoy! At sino sa tingin niyo ang magdadala ng mga yan?" turo niya sa mga kahon na nasa likod ng sasakyan.

"Kami na ang nagdala kanina ah." halos reklamo ni Lawrence. "Wala na akong lakas. Gutom na ako."

"Aba't!"

Lalapitan sana siya si Pia subalit nakailag ito. "Biro lang, Boss." ngisi niya. "Sabi ko nga nadadalhin na namin!" Sabay hila kay Gavin papunta sa minivan. Magrereklamo pa sana si Gavin kung bakit kailangan kasali siya pero wala na itong nagawa.

Bumalik ang dalawa dala ang mga gamit at sama sama kaming naglakad papunta sa bahay na katabi ang coffee shop. Halos balutan ng mga potted green plants ang harap nito. Binuksan ni Stephen ang sliding door nito at sumigaw.

"Ma! Nandito na kami!"

Nagsipasok sa loob ang mga lalakeng kasama ko. Nagtulakan pa sila na akala mo bahay nila ito. That's when I realized na ang bahay at coffee shop sa tabi nito ay magkadugtong.

"Mrs. Babes!" narinig kong sigaw ni Gavin. Kumunot ang noo ko. What? Sumunod si Pia, Rhea, at ako sa loob.

Nakita namin na sinalubong sila ng mukhang Mama ni Stephen. Nakaapron ito at mukhang galing lang sa kusina. Kamukha ito si Stephen. Payat at hindi gaanong matangkad.

"Babes ang tawag niya sa lahat ng babaeng kakilala niya." sinabi ni Rhea nang mapansin na halos mapanganga ako. Nagmano ang mga ito na akala mo sarili nilang nanay.

"Mrs. Babes, alam mo na kung bakit kami nandito." Lawrence wiggled his eyebrows at dumerecho sa isa pang sliding door sa side ng sala. Sumunod naman si Gavin at Charlie. Yon na siguro ang papunta sa coffee shop.

Natatawa naman ang Mama ni Stephen na tila ba sanay na sa kanila. "Kayo talaga. Malulugi ako sa inyo nito."

"Good morning, Tita." Nagmano si Pia at ganoon din kami ni Rhea. "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga balasubas kong mga kasama." seryosong sabi nito.

"Mas magtataka ako kapag bigla silang tumahimik." nakangiting sabi ng Mama ni Stephen. Napatingin ito sa akin. "Oh, may bago kayong member?"

Ngumiti ako. "Isabelle po." Napatingin ako kay Pia for confirmation. Tumango ito. "Bagong member."

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya at nakipag shake hands. "Aba, mabuti naman at sa kanila mo naisipan na sumali. Madadagdagan ang makakatikim sa luto ko."

Stephen groaned. Kasalukuyan nitong sinasaksak sa isang socket ang kanyang laptop. Napansin ko na medyo nahiya ito. "Ma, naman." reklamo nito na nakafocus parin sa ginagawa.

"Naku! Nahihiya ka eh gustong gusto kaya nila ang luto ko." natatawang sabi ng kanyang Mama. "Aba, sige. Derecho na kayo sa loob. Mukhang gutom na ang mga kasama niyo."

"Patay gutom po talaga ang mga yon." Pia muttered. I pursed my lips to prevent a smile.

Sumunod kami sa loob at bahagya akong nagulat sa aking nakita. It was the coffee shop after all. Pero hindi ito tulad ng mga stylish na coffee shop na madalas kong puntahan.

It's more of a part of the house than a coffee shop. Parang sala na madaming upuan at mesa. May ilang taong nandoon na busy sa pagbabasa, o pagsusulat, o kaya naman sa pagkain.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon