Spectacular: Thirty Six

472K 23.4K 26.2K
                                    

36.

Bago kami bumalik sa hospital nagkaroon ng huling meeting ang Arcadian sa office. Naka-packed na ang halos lahat ng mga gamit dito. Ang whiteboard, ang sofa, ang conference table, desktop, drawers, at iba pang equipments ay nakabalot na para dalhin sa storage ng university ngayong linggo.

Ito ang aming huling meeting bilang members ng Arcadian. Napakadaming alaala ng kwartong ito. Ang mga tawanan, asaran, seryosong usapan, mga tulog at pagod na katawan, mga gulo tuwing kainan. At mami-miss ko ang lahat ng 'yon.

Nakaupo kami sa sahig, ang ilan sa silya at available na sofa. Pinatawag kami ni Pia bago kami lumiban sa aming mga klase sa mga susunod na araw upang bisitahin si Gavin.

"So here we are," she said with a painful smile. "For the last time."

Nangingilid ang luha ni Rhea. Malungkot ang aking mga kasama. Kompara sa mga alaala ko sa kwartong ito, alam kong mas malaki ang kailangan nilang bitawan na mga alaala.

Huminga ng malalim si Pia. "Napag usapan namin ito ni Lawrence kagabi. "We will reconstruct the last issue of Arcadian."

"Reconstruct?" asked Charlie. "Pero halos patapos na tayo."

"Naalala niyo ba kung ano ang theme natin?" sinabi ni Pia.

"Chasing Freedom," tahimik kong sagot.

Pia smiled at me. "Exactly. And I think right at this moment, we are the chase. Some of us might be in the middle of the chase, some are just about to begin, and some are close to enclosing this freedom in their palms, and some may have to lose it. We are the chase. And I know we've all worked hard for the drafts and articles. But I want the last issue of Arcadian to be ours."

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Stephen.

Nagkatinginan si Lawrence at Pia.

"Instead of articles... let us filled Arcadian with memories," said Pia. "The graphics and digital arts will remain. Hindi natin kailangan mag-alala kung babasahin ba ito ng mga tao o hindi. A poem, a story, a short an essay, anything that will remind us of our journey as a group, as part of Arcadian will do."

Ngumiti si Pia, isang huling ngiti para sa grupo. "Let us make the last issue count. Let's make it ours."

At 'yon ang aming ginawa. Sa nakalipas na araw gumawa kami ng iba't ibang mga entries para sa magazine. Mga littrato, mga alaala, paglalakbay. Mga dahilan at pangarap at kung ang naging parte ng Arcadian sa mga ito.

Magdamag naming inayos ang bagong issue. Hinayaan ako nina Dad na sa university magpalipas ng gabi. We made the lay outs, the pictures, our stories. Walang gustong matulog. Every now and then someone would distribute coffee to keep us awake habang gumagawa kami. May mga nag hihikab, may mga sandaling nakaidlip. Pero magigising din at magsisimulang muli. Dahil alam namin na maaari mawalan na kami ng oras.

During those days the hospital kept us updated about Gavin's condition. Dumating ang Mama ni Gavin noong isang araw. She cried once she saw his son. Dumating si uncle sa Pangasinan kahapon to check Gavin's condition. Dumaan siya sa Pampanga bago bumalik ng Manila para kausapin si Dad.

"How is he?" I heard Dad asked from the living room. Gusto ni uncle na si Dad muna ang kanyang makausap.

"Is he someone important to Isabelle?" asked uncle.

Tumango si Dad.

Uncle tapped Dad's shoulder bago ito umiling. "Let her be with him."

I was in the kitchen listening. Sa mga huling sinabi ni uncle unti unti kong natutop ang aking bibig. Dahil noong mga oras na 'yon alam ko na.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon