Spectacular: Twenty Three

343K 16.3K 4.3K
                                    

23.

Noong dumating na ang mga inorder naming pagkain ay nagsimula na ang aming meeting. Umikot ang usapan naming sa nalalabing araw bago ang convention. Sa susunod na lingo na ito. Habang nag uusap ang grupo hindi maiwasan ni Pia na mapatingin sa akin. Alam kong maging siya hindi na sigurado kung kompleto bang makakasama ang grupo.

Gusto kong sumama. I really do. This convention will be the last. Fourth year na si Pia, Lawrence, at si Gavin. Huling semester na nila ito sa university. Gusto ko silang makasama sa huling convention nila bilang parte ng Arcadian.

Habang nag uusap napunta ang topic sa nakaraang posting of grades.

“Kabadong kabado pa akong magbukas ng account ko.” Narinig kong sinabi ni Rhea kay Pia.

“Pareho tayo. Medyo sablay kasi ako sa nakaraang major exam ko. Mabuti nalang kahit paano pasang awa pa.” Natatawang sinabi niya.

“Ang grades ko parang dagat.” sinabi ni Lawrence. “Umaalon.”

Natawa si Stephen at naghigh five sila.

Pinagmasdan ko ang ngiti ng aking mga kasama. I feel a sinking feeling deep in my stomach.

Noong high school ako may nagsabi sa akin na masyado akong mayabang. Ako kasi yong tipong nadi-disappoint sa result ng exams or grades kahit pa mataas ang nakuha ko kompara sa iba. They say I’m too stuck-up and unreasonable. Pero hindi nila naintindihan.

Hindi ko mapigilan na madisappoint. Dahil ako mismo ay mataas ang expectations sa sarili ko. Ganoon ako pinalaki. The expectation and pressure made me set a high standard for myself. And even though I’m often the highest, if it doesn’t meet my standards, I still feel like a failure.

Hindi ko alam ang pakiramdam ng masaya sa grade na nakuha kahit pa mababa ito. Hindi ko alam magdiwang dahil kahit paano nakapasa ako. Ano ba ang pakiramdam? Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na masaya sa grades na nakuha nila. I’m the highest but I’m the least happy.

Nagpatuloy ang meeting. Sinabi ni Pia ang mga kailangan naming ayusin bago ang convention next week. Ngayong lingo matatapos na ang mga part time jobs nila. She hand us the waivers upang ipapirma sa mga magulang namin.

“Kukunin ko yan sa last meeting bago ang convention.” Sinabi niya. Bahagya siyang napatingin sa akin. I tried to smile.

—-

Nagtagal ng ilang oras ang meeting namin. Halos gabi na noong nakauwi na ako ng bahay. Hindi ako nag alala dahil mas late umuwi sina Mom tuwing weekdays. Kaya nabigla ako nang madatnan si Mom sa kwarto ko. Nakatayo siya sa tapat ng bedside table at may hawak na papel.

“Mom.”

Humarap siya sa akin. She was as if expecting me. Kalmado siyang lumapit sa akin habang hawak ang papel.

“What’s this?”

Mom looked calm. Pero bawat salita niya ay mariin. Tiningnan ko ang hawak niyang papel. It was a copy of the invitation for the convention.

“Why do you have an invitation for a writing convention? And what is this—“ Tiningnan niyang muli ang papel. “Address to the Arcadian? Isn’t this the organization you are referring to last semester?”

I was overwhelmed by Mom’s questions. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan malalalam ni Mom ang tungkol sa Arcadian. Bumuntong hininga si Mom habang nakatingin sa akin.

“Isabelle.”

“That invitation is mine.” Tahimik kong sinabi. “I’m part of the Arcadian.”

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon