35.
Isang tawag mula sa phone ang gumising sa akin. It was two in the morning. Kinapa ko ang phone ko sa bedside table. Nang mag adjust ang aking paningin binasa ko ang caller ID. Mula ito sa head nurse ng hospital kung saan naka-confine si Gavin.
Dali dali kong sinagot ang tawag. Bumalot ang matinding takot sa aking dibdib. Alas dos na ng madaling araw. Hindi siya tatawag ng ganitong oras nang walang rason. Pinakingan ko ang boses sa kabilang linya. Garagal ito at halatang wala pang tulog.
"Isabelle?"
"Y-Yes?"
"Nasa ICU si Gavin."
Halos bagsakan ako ng langit at lupa dahil sa narinig. Magkasama lang kami noong isang araw. He was okay the other day. He was laughing the other day.
"Gusto ko lang malaman mo," sinabi ng nurse. "Hindi niya gustong ipaalam sayo o sa inyong grupo. Ngunit kayo ang naging bukang bibig niya nitong mga nakaraang araw. Ang muli niyong pagbisita ang inaabangan niya. Gusto ko lang malaman niyo upang maging handa kayo sa pagbisita niyo bukas."
Naibaba ko ang phone matapos ang tawag. Nakatulala ako. Hindi ko alam ang gagawin. My hands were trembling. In my mind I was seeking desperate answers. Why? Why does it have to be Gavin? Why is the universe slowly taking the life of the person who taught me to live?
Nanatili akong nakaupo sa kama. It's two o'clock and I'm contemplating to go to Gavin. I was desperate. I was scared. Tinawagan ko si Pia. Ilang ring ang lumipas bago siya sumagot.
"Isabelle, may problema ba?"
I told Pia about Gavin's situation. Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatakda naming bisitahin si Gavin bukas. Weekend. Where we get to see him again.
"I'll... I'll let the others know," sinabi ni Pia na pilit pinakalma ang boses. "Magpahinga ka na, Isabelle. Maaga pa tayo bukas."
Nagpaalam si Pia. I was left once again with the silence. Silence is where my thoughts screamed the most.
Hindi ako nakatulog. I was restless. My body's tired. Pero natatakot akong pumikit at matulog. Dahil hindi ko alam kung ano ang maaari kong datnan kinabukasan.
Tumunog ang aking alarm clock. I set it up at five in the morning. Isabg oras akong nakatulog. Nagbihis agad ako. Magkikita kita kami sa university gate ng six thirty ng umaga.
Pagdating ko sa gate nandoon na ang aking mga kasama. Tulad ko ay mukha silang walang tulog. Pale face, bloodshot eyes. Si Lawrence hindi na nag atubiling mag-ayos ng buhok. Pia's eyes were puffy. Hinintay namin si Stephen na dala ang sasakyan. Alas siete na ng umaga nang kami ay umalis.
We were supposed to held our meeting in the hospital with Gavin. Gusto naming ipakita ang last draft sa kanya, kasama ang kanyang gawa, bago ito ipasa sa printing press. Ito ang unang issue na kasama ako at huling issue na kasama si Gavin bilang parte ng Arcadian.
Naging tahimik ang byahe. The sky was gloomy. Panay ang tingin ko sa aking phone, naghihintay ng balita mula sa hospital. The morning was achingly melancholic.
Pagdating namin sa hospital nadatnan namin ang Dad ni Gavin. That's when we knew things were getting out of hand. Panay ang tawag nito sa phone habang palakad lakad sa hallway. Bumati kami sa kanya. Bahagya siyang nabigla sa aming pagdating. Hindi sinasadya na marinig namin ang kanilang pag uusap. Kausap niya ang Mama ni Gavin na may iba ng pamilya sa ibang bansa. Pinapauwi niya ito upang bisitahin si Gavin bago mahuli ang lahat.
Sinalubong kami ng head nurse ng hospital at dinala sa ICU kung nasaan si Gavin. Mula sa salaming bintana nakita namin siyang nakahiga at walang malay sa hospital bed. Napakaraming aparato ang nakasaksak sa kanyang katawan. They keep humming and blinking as if Gavin's life was now measured by these things. Wala na ang Gavin na nasa labas at nakatanaw sa langit at mga bituin. Wala na ang Gavin na pinupuno ng halakhak ang paligid. He was there... inside that room... with those things.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...