Spectacular: Eighteen

377K 16.7K 5.2K
                                    

18.

Unang Monday ng semester break nang magkaroon kami ng unexpected meeting. Hapon ang napiling time ni Pia para makapunta kahit ang mga nagsimula na sa part time jobs nila. Pero lumipas na ang halos isang oras ng sinabing meeting time ay kalahati palang kami sa office.

“Guys, alam niyo naman siguro na kahit sem break may meeting tayo.” sinabi ni Pia nang makaupo sa sofa. Nakaupo ako sa tapat ng conference table samantalang si Rhea ay nakatayo malapit sa bintana.

“Nasaan yong iba?” asked Pia.

Umiling ako.

“Baka nasa part time jobs?” sinabi ni Rhea.

Napaisip si Pia dahil dito. “Baka nga. Pero sana naman nag text sila para alam kung pwede na tayong mag start.”

Nakita ni Rhea na nasa bintana ang pusang si Arki kaya pinapasok niya ito. “Mine will start on Monday.” she said referring to the tutorial job na sinabi niya sa grupo noong isang araw.

“Hinihintay ko parin ang response ng inapplyan kong Fast Food chain noong isang araw.” sabi ni Pia.

Habang nag usap tungkol sa part time jobs at kung paano maiba-budget ito kung sakaling nakuha na ang expected na sweldo ng grupo, dumating na si Stephen. Nagsimula ang informal meeting namin about the convension at tungkol sa magazine na irerelease sa simula ng susunod na semester.

Kapag ang convention ang pinag uusapan wala akong magawa kundi makinig. Even though ilang beses na akong in-assure ni Pia na wala akong dapat ipagalala hindi ko parin mapigilan na mangamba. I need to tell my parents about The Arcadian sooner or later. It’s either that o sabihin sa mga kasama ko na hindi ako makakasama sa convention.

After thirty minutes ay dumating si Lawrence. Nag apply siya sa nadaanan niyang convenient store kaya siya natagalan. At siya ang huling dumating sa grupo. Hindi pumunta si Gavin at Charlie. Nag text si Charlie kalaunan na may out of town sila ng family niya. Hindi siya makatangi dahil request ito ng kapatid niya since tapos na din ang sarili nilang final exams.

There’s no text from Gavin.

Pinag usapan namin ang tungkol sa magazines at paano namin mapagkakasya ang oras sa pag aasikaso nito habang may part time jobs ang iba. Luckily, dahil part time lang, hindi nakukuha ang buong araw nila.

We are so close to finishing the final draft. Inaayos na namin ang mga articles noong nakaraang Foundation Week. Though may ilan pang kulang na sections tulad ng sa amin ni Pia, may panahon pa kami para matapos ito bago ipasa ang final draft kay Sir Ryan for review.

When everything was settled pinaalala ni Pia ang schedule ng second meeting. Naghiwa-hiwalay na kami pagkatapos. Nagpaalam si Stephen na may kailangan na puntahan. Si Pia naman ay kailangang dumaan sa Mall dahil may kailangan siyang bilhin para sa office. Sinamahan namin siya ni Rhea as well as Lawrence na may bibilhin din.

“Hindi talaga dumating si Gavin.” sinabi ni Pia habang naglalakad kami papasok ng Mall.

“Nagtext ba sayo, Isabelle?” tanong ni Pia.

Bahagya akong natigilan sa paglalakad. Hindi ko namalayan ang tanong dahil sa malalim na iniisip.

“Ano yon?” tanong ko.

“Si Gavin, wala bang sinabi sayo?” ulit ni Rhea.

Umiling ako. There’s no text from him. Kadalasan sinasabihan niya ako kapag hindi makakarating sa mga meeting. Nang makapasok na kami sa Mall, sumunod is Lawrence na nastuck sa pila sa entrance.

May suot na cap si Lawrence at nakajersey shorts at white t-shirt, ang usual get up niya. Kung si Gavin panay hoodie at faded jeans, si Lawrence mahilig sa varsity uniforms at jersey shorts.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon