Spectacular: Thirty Three

327K 17.3K 7.7K
                                    

33.

Humiwalay ako kay Gavin upang tingnan siya ng mabuti. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya. Matapos ng halos isang buwan na paghahanap, matapos ang mga lugar na aming napuntahan mahanap lamang siya, all those clues, realizations, and discoveries and tears, ngayon nasa harap ko na siya.

Gusto ko siyang saktan dahil sa takot at sakit na idinulot ng kanyang biglaang pag-alis. But seeing him in front of me, grinning that familiar grin, saying those words I've long to hear. Hindi ko mapigilang manghina habang nasa harap niya.

"Namiss kita."

Tuluyang nakalapit ang iba pa naming kasama. Ngumisi si Gavin.

"Tagal nating hindi nagkita, ah."

Lumapit ng isang hakbang si Lawrence. "Brad, pinaiyak mo 'tong mga babaeng pinangako nating 'di sasaktan."

Nakakuyom ang mga kamao ni Lawrence. Isa si Lawrence sa pinakanahirapan na makita ang matalik na kaibigan sa ganitong kalagayan.

"Lawrence," warned the vulnerable voice of Pia.

"Umiyak sila, lalo na si Isabelle. Brad, pasuntok nga ng isa."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Gavin. Lumapit sa amin ang batang may hawak ng bola.

"Kuya, sino sila?"

Humarap si Gavin dito at muling ngimiti.

"Naalala mo yong kwento ko sayo?"

Confusion arises from the kid's face as he try to remember the story.

"Yong power rangers? Tapos kailangan umalis ng isa sa kanila kasi may monster siyang kailangang labanan? Tapos naiwan yong iba para labanan yong ibang mga monsters at iligtas ang city!" Excited na sinabi nito.

"Hinahanap nila yong nawawalang power ranger," sinabi ni Gavin.

The child beamed, his face lit up, his eyes wide. He's a patient under chemo. Ang kanyang buhok ay nalagas dahil sa gamot. Pero kahit hindi ko nakikita ang ngiti niya dahil sa mask, sapat na ang ningning ng kanyang mga mata upang makita kung gaano siya kasaya.

"Talaga?" Halos mapatalon ang bata habang pinapalakpak ang kanyang mga kamay. "Talagang talaga?"

"Alam mo ang sekreto ni black ranger kaya ikaw ang pinuntahan nila. Lagot ka."

"Alam ko! Ako! Ako! Alam ko kung nasaan siya!"

Napansin kong humigpit ang hawak ni Pia sa kamay ni Lawrence habang nakatitig sa bata. He's too young... to suffer all of these.

Muling humarap sa amin si Gavin. Nawala ang galit ni Lawrence. The immediate tension left as soon as it came. Because in the midst of the frustration and the pain and the fear, we are Arcadian, and nothing can dim our light.

"Seriously Gavin, power rangers?" said Pia with a frown.

Kahit paano unti unting bumabalik ang ngiti niya.

"Gago." sinabi ni Lawrence kay Gavin. "Ako yong black ranger. Hwag kang nang aagaw ng kulay."

"Isa ka pa," asik ni Pia kay Lawrence.

Ngumiti si Gavin sa nakikitang bangayan ng dalawa. Maging sina Rhea, Charlie, at Stephen ay umaliwalas na ang mga mukha.

I could see it in Gavin's eyes. He missed this. Hindi niya man masabi ng derecho, dinadaan niya man sa biro at sa kwento, alam kong hinintay niya kami, alam kong umasa siya, kahit impossible, na hahanapin namin siya, na darating kami.

The kid amusedly stared at us. I can't help but smile, too. Gavin was grinning. But a certain act caught my eyes, it was barely a second long nang mapansin kong pinahid niya ang mga mata niya.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon