Spectacular: Ten

445K 20.1K 5K
                                    

10.

Nagmadali akong pumasok sa office noong hapon na yon. Halos ilang araw ng umuulan. Ang sabi nila may bagyo. Hindi ako sigurado. Nadatnan ko si Rhea na nakasiksik sa sulok ng sofa at nakasuot ng jacket. Ako lang yata ang nakalimot na ganito kaginaw lalo na at sa AVR room ang susunod na klase ko.

"Mabuti ka pa may dalang jacket." sabi ko na nagmadaling dumerecho sa computer desktop.

"Wala kang klase?" tanong niya na inalis ang tingin sa binabasang libro. Sakto naman na pumasok si Gavin sa office.

"Babes, bakit nandito ka?" tanong niya. Halos memorize na kasi namin ang mga schedule ng isa't isa.

"May nakalimutan lang ako." sagot ko. Nakita ko sa ibabaw ng printer ang librong naiwan ko.

"Bakit mukhang namumutla ang mukha mo, babes?" tanong ni Gavin.

Napakurap ako. "Ang lamig kasi sa AVR." Kinuha ko ang libro mula sa ibabaw ng printer at nagmadaling bumalik sa pintuan.

Akmang magpapaalam na ako para umalis nang tinawag ako ni Gavin. "Babes, sandali."

Napa-paused ako mula sa pagbukas nito. "Bakit?"

Inalis ni Gavin ang suot niyang gray hoodie. May itim na T-shirt siya underneath. Lumapit siya sa akin at biglang sinuot ang hoodie sa ulo ko.

"Wear this." Hinawakan niya ang librong nasa kamay ko para maisuot ko ng maayos ang kanyang damit. It smells just like him, clean, fresh, and minty. Ano kayang pabango niya?

"Sa susunod, babes, madala ka ng jacket para hindi ka ginawin."

Napatitig ako sa kanya bago tumango. "Yes po." nakangiting sagot ko. "Ibabalik ko din ito mamaya." tukoy ko sa damit niya. "Thanks, Gavin."

Bahagya ko siyang kinurot sa pisngi bago kinuha ang libro mula sa kamay niya. "Later guys."

Lumabas ako sa office at nagmadaling naglakad sa pathway papunta sa building namin. Thankfully, noong pumasok ako sa AVR ay wala pa ang Professor namin. Umupo agad ako sa silya ko.

"Oy, ano yan? Umalis ka lang, may suot ka ng hoodie galing sa CASS?"

Lumapit sa akin si Kim, ang class president. Hindi ko alam ang tinutukoy niya hangang sa mapansin ko ang maliit na logo ng damit sa kaliwang dibdib nito. Oh. It's a college hoodie. Hindi ko ito napansin kanina.

"Pinahiram ng kakilala ko." sagot ko.

Minsan nakakailang din ang class president ang isa sa iilang taong madalas kong makausap sa classroom. May tendency kasi siya na mag attract ng attention. Tulad ngayon. Napatingin sa direction ko ang ilan sa mga kaklase ko.

"Boyfriend?" ngisi ni Kim.

"N-No. Kaibigan ko." sagot ko.

"Guy friend?" tanong ng VP namin na laging kasama ni Kim. "Ang alam ko kasi para sa lalake ang hoodie ng CASS. Jacket style sa babae."

Nagningning bigla ang mata ni Kim. Give it to Kim to make things bigger than they actually are. Fortunately ay dumating na ang professor namin. The lecture and documentation watching lasted for three hours straight inside the AVR and air-conditioning is no joke.

Gavin saved me from freezing over.

—-

Few days past, nasa office ako kasama si Pia. Nagbe-brain storming kami para sa section ng magazine kung saan magkasama kami. The other members are either outside nag foodtrip o may klase.

Naka assign kami ni Pia sa Features section ng magazine. Nagdecide kami na magfeature ng mga sikat na personalities, authors, celebrities, or politician, na may kinalaman sa theme namin.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon