Spectacular: Three

619K 24K 5.6K
                                    

3.

Kinabukasan, habang nasa breakfast table, pinagmasdan ko ang mga magulang ko. May kausap sa phone si Mom at si Dad naman ay nakaharap sa kanyang laptop habang kumakain. Both of them are on their way to work.

"Mom." panimula ko.

Napatingin sa akin sandali si Mama habang nagta-type sa phone niya. She raised one her hands para sabihin na maghintay ako. Hinintay ko siyang matapos bago nagpatuloy.

"What, sweety?" tanong niya.

"I wanted to join a school organization." maingat na wika ko.

Gumuhit ang interest sa mukha niya. "Oh? You mean The Student Council? That's great. What position are you planning to run?"

Napakurap ako sa sinabi niya at biglang nawalan ng lakas ng loob. In a snap, this conversation went down the drain. Halos hindi ko na gustong ituloy ito. Of course they are thinking of that organization.

"Actually, Mom, it's the school magazine."

Napansin ko na inalis ni Dad ang tingin sa laptop niya at bumaling sa akin. "School magazine?" tanong nito. "Do you mean those student writers and photographers? Running around the campus, sometimes doing errands for other higher organization to have funds."

Natahimik ako. Hindi ko alam na may ganoong nangyayari sa school publication tulad ng Arcadian. Is that even true?

"Hindi sa mababa ang tingin namin sa kanila. But that's the reality of school publications." sang ayon ni Mama. "They rarely have funds. Mahihirapan ka lang, Isabelle. And they are always on the go. Hindi ba makakasagabal yon sa pag aaral mo?"

I pursed my lips. Nagsisi ako na sinabi ko pa ito sa kanila. And funny to think na dahil sa mga sinasabi nila, mas lalo ko lang gustong sumali doon at iwasan ang Student Council na gusto nila.

"And you don't even like literature and writing. It's far from your course. It's better to surround yourself with leaders, like the people in the Student Council. Magiging magandang connection sila pagdating ng future kapag mga professionals na kayo."

I bit my lips to prevent myself from responding. I like writing way more than I like calculating the income of a damn company and balancing their so called financial statements. I don't even care about those stupid connections. But of course they will never know.

"Right." sagot ko.

Tumango si Mom. Hindi man lang nila napansin ang disappointment sa boses ko. Nagpatuloy sila sa pagkain na parang walang nangyari- Na parang hindi nila tinapakan ang isang bagay na gusto ko.

I've never been this disappointed at them. I can't believe na isang buong gabi akong naghanda para lamang sabihin ito sa kanila. Pero katulad ng dati, tumahimik nalang ako.

--

Katatapos lang ng discussion namin sa Financial Management at halos naghahanda na ang lahat para umalis nang tumayo ang lalakeng Instructor namin sa harap at nagtanong.

"Section FM 3-A, sino ang magvo-volunteer dito na sumali sa CBA inter-department Quiz Bee this weekend?"

May tiningnan itong papel.

"So far, isa palang ang junior representative ng Department niyo, Kristine Amorsolo, the class president of section B. We need two more representatives."

CBA inter-department Quiz Bee. Meron nanaman pala ito. Kada semester nalang yata. Automatic na lumingon sa direction ko ang ilan sa block mates ko.

"Si Isabelle Dizon." sinabi ng isa.

Sumang ayon ang ilan. "Yes, siya na. Para hindi tayo nangungulelat."

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon