Spectacular: Fifteen

391K 16.8K 3.5K
                                    

15.

The rest of the Foundation Week came like a blur. Halos hindi ko namalayan ang pagdaan ng araw sa dami ng mga nangyari. Patuloy sa pagiging busy ang Arcadian dahil sa mga events at programs. Minsan makakasalubong ko sila sa campus, sandaling magkakamustahan, at muling babalik sa paghahabol sa mga interviews at activities.

Minsan madadatnan ko ang iba sa kanila sa office, umiidlip o nagpapahinga sa sofa bago muling pumunta sa naka assign na events para sa kanila. Pero tuwing hapon, kapag karamihan sa mga events ay tapos na, nagsasama kami at sabay na pinupuntahan ang iba pang mga booths para kumain o maglaro ng games o hindi naman kaya ay nanonood ng events.

Wednesday ng gabi ang Battle of the Bands sa open pavilion ng university. Ang open pavilion ang pinaka center ng campus na may pabilog na area kung saan kadalasang dinadaos ang mga concerts, bonfires, o iba pang night events since open area ito.

It was my first time to watch such thing. Yes, I know. I'm a nineteen years old college student and I've never been to a concert or night show. Yes. That's me. Since we have Law during regular Wednesday, I'm allowed to stay in the university until my last subject's dismissal time. Which is nine o'clock in the evening.

Pero may hindi inaasahan na nangyari. Kasama ko ang buong Arcadian na nanonood. Binabalutan ng mga ilaw ang buong pavilion. Nakasabit ang mga ito mula sa stage hangang sa entrance ng pavilion in a lantern style. Matitingkad din ang kulay ng naglalakihang mga ilaw sa stage.

The pavilion looks like a setting of a music festival. Nakasuot ng mga summer or bohemian outfits ang mga dumalo dahil isa yon sa requirements para makapasok sa event. I was wearing a maroon maxi skirt, lace top, and some boho accessories, and my hair in waves. Naka denim jacket at pastel shorts si Pia while Rhea is wearing a white lace dress with a long necklace.

The guys couldn't care less sa suot nila. Most of them are wearing a surfer shorts and slippers. Yes. Freaking slippers. Lawrence even brought sunglasses and a straw hat for, and I quote: summer vibe. Nagsimula ang battle of the bands ng six thirty and it lasted for three straight hours.

There is something about live performance that excites people and made their heart pump. Malakas ang sound system na halos pumuno sa pandinig namin, making the grassy ground vibrate. Adrenaline is cursing through every single body in the pavilion habang nagpe-perform ang bawat kalahok.

There are acoustic songs, there are rock songs, and there are party songs where we jump, laugh, and sing with the music. Pia, Rhea, and I are holding each other's hands while jumping together and singing at the top of our lungs. Habang nasa likod naman namin sina Gavin, Lawrence, Charlie and Stephen na nanonood, tumatawa, at kumakanta kasama namin.

Say, won't you say "forever"
Stay, if you stay forever
Hey, we can stay forever young!

Singing Radiohead at the top of our lungs
With the boom box blaring as we're falling in love
Got a bottle of whatever, but it's getting us drunk
Singing, here's to never growing up!

Halos hingalin kami nang matapos ang current song. Nagtawanan kami. Walang pakialam kung magulo na ang mga buhok namin o pinagpapawisan na kami. All we know is we are enjoying. Maya maya pa sa gitna ng pagpe-prepare ng susunod na banda para sa next performance, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Kinuha ko ito mula sa bag na dala ko at pinagmasdan. There are several messages. Bigla akong kinabahan. Tiningnan ko ang oras. Eight thirty pa lamang. May thirty minutes pa ako bago sunduin. Agad kong binuksan ang messages. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang galing ito sa class president at iba pang kaklase ko. Kumunot ang noo ko nang basahin ang mga ito.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon