7.
Lumipas ang mga araw na naging excited ako sa pagpasok sa school. It was the first time for me to feel excited like this specially kapag ang pinag uusapan ay tungkol sa school.
Kadalasan kasi walang ano mang emosyon ang makikita sa mukha ko tuwing makakasalubong mo ako sa corridors o makikita sa classroom. Either nakasalpak ang headset ko sa tenga o kaya naman ay tutok sa librong binabasa ko.
Pero ngayon hindi ko mapigilan na mapangiti tuwing nakakasalubong ko sa mga pathways at gate ang isa sa member ng Arcadian. Noong Monday nga, naka sabay ko si Lawrence sa gate.
"Isabelle!" bati nito sa akin.
Instead magulat o maalibadbaran dahil sa mga matang napatingin sa amin. Ngumiti lang ako at kumaway. Sabay kaming naglakad hangang sa maghiwalay kami ng daan papunta sa kanya kanya naming mga building. Sa College of Arts and Social Science siya.
Ginagawa ko din ang lahat para mabilis na matapos sa mga gawain ko sa school tulad ng pagre-review sa test o pag gawa ng assignment. Para magkaroon ako ng oras na pumunta sa office.
I tell myself that it's my reward for working my butts off with my demanding course. Sa ngayon nagkakaroon na ng diversity ang mga araw ko. Hindi nalang ako si Isabelle Dizon na nakatutok sa studies. I'm Isabelle Dizon, a member of The Arcadian. Isang babaeng hindi mapigilan ang tawa kapag kapag nagkakaroon ng kalokohan sa grupo.
Noong araw na yon nagmadali akong magligpit ng gamit para makalabas ng classroom. Instead kasi sa kubo o sa Library kapag may free time ako, sa office na ako dumederecho.
"Oh, nagmamadali ka?" puna ng isa sa mga classmates ko.
Nginitian ko lamang siya. Tila ba nagulat siya dahil doon. "Yep. See you sa Law mamaya." paalam ko.
"Oh, okay?" nagtatakang tanong niya.
Dumaan ako sa corridor. Tulad ng dati madaming tao lalo na kapag sabay sabay naglabasan sa classroom ang mga estudyante. Nakipagsiksikan ako at lumabas ng building papunta sa dulo ng campus kung nasaan ang office.
Ang office namin ay maluwang. Siguro dahil madami ang mga members dito noon. It has the light musty smell of ink, paint, and coffee. It's a comforting smell at isa sa dahilan kung bakit gustong gusto ko doon.
May dalawang brown na sofa kung saan madalas natutulog si Gavin. May conference table na may walong upuan. White board na puno ng mga paalala tulad ng mga deadlines at expenses.
May corkboard na puno ng pictures ng grupo, at naidagdag na ang mga pictures ko nitong mga nakaraang activities tulad ng pagpunta kina Stephen. Paintings at unfinished canvas na nakapaskil sa pader o kaya naman nakasandal sa sulok. At drawers na puno ng mga art at school materials, isang desktop computer at printer.
Binuksan ko agad ang pintuan ng office pagdating ko. Alam ko na kasi tuwing ganitong oras ay may tao sa loob. Halos memorize ko na ang schedule ng vacant ng bawat member.
Kaya naman medyo nagulat ako nang makita si Gavin sa loob. Nakaupo ito silya sa tapat ng conference table, nakasalpak ang headset sa tenga, at tinatap ang mesa kasabay ng beat ng kung ano mang kanta sa phone niya.
"Nasaan ang iba?" tanong ko.
Napatingin ito sa akin na tila ba hindi narinig ang sinabi ko. Bahagya niyang inalis ang isang headset. "Ano yon, babes?"
Nilapag ko ang handbag ko at umupo sa isa sa mga sofa. "Nasaan ang iba? Bakit ikaw lang ang nandito?"
Dapat mamayang four pa siya darating. May pasok dapat siya sa mga oras na ito. "Aah." tila bored na sagot niya. "Bumili ng pagkain sa labas." Ngumiti ito. "Bakit ayaw mo ba akong kasama?"
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...