24.
Pinagmasdan ko ang bag ko at ang mga dadalhing gamit na nakapatong sa kama. Huminga ako ng malalim. So this is it. Ilang lingo din namin itong pinaghandaan. Ang convention.
Sinilip ko ang orasan sa pader. Alas tres ng madaling araw. Napangiti ako. Kanina pa gising ang mga kasama ko. Nag uusap kami sa group chat. They all sound extremely excited. Hindi natulog si Pia dahil sa pag aasikaso ng iba pang bagay na kailangang naming dalhin o ayusin para sa convention. But she’s the most energetic on the group chat.
Lumabas ako sa aking kwarto at tahimik na sinara ang pintuan. Madilim sa hallway maliban sa ilaw na nagmumula sa sala. Last week ay natapos na ang lahat ng preparations namin para sa convention. Na-finalized na ang lahat sa huling meeting namin. Mula sa pagkain, tutuluyan, hangang sa byahe papunta sa La Union. We estimated the trip to be four hours long. Eight o’clock ang call time na nakalagay sa invitation. Pumayag ang adviser ng Arcadian na si Sir Ryan na samahan kami bilang guardian.
Nang makababa ako sa sala, nakita ko si Nana Lourdes sa kusina. Nakabukas ang maliwanag na ilaw dito at naghahanda siya ng pagkain. Tahimik ang buong bahay. Mukhang kami lang ang gising sa mga oras na ito. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa. Napalingon si Nana mula sa kusina.
“Susunduin ka ba dito?” tanong niya.
Tumango ako. “Hindi ba gising si Mom?”
Natigilan siya. “Nasalubong ko siya kanina sa hallway. Hindi ko alam kung bumalik na siya sa kanyang kwarto.”
Pilit akong ngumiti. “I understand.”
Alam kong hangang ngayon ayaw parin ni Mom sa Arcadian. Kahit na sinabi ko na ang decision ko sa kanya. Sa kanyang paningin isa sila sa mga rason kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako nagmamatigas.
Fortunately, may business appointment si Dad sa Bacolod. Halos kasabay ito ng convention. Kahapon pa siya wala. Pagdating niya bukas ay nasa La Union parin ako. Mom promised she’ll cover up for me. Basta sundin ko lamang ang pinangako ko sa kanya.
Tiningnan ko ang phone ko nang umilaw ito. Sunod sunod ang pumasok na messages sa group chat.
“Babes, nasa labas na kami ng bahay niyo.”
“Rich kid ka talaga, Isabelle HAHAHA!” It’s from Lawrence.
“Isabelleeee! Labas ka na.” said Rhea.
Napangiti ako nang mabasa ang mga message nila. Pero agad nabura ang ngiti ko pagharap ko kay Nana.
“I should go.”
Inabot niya sa akin ang isang malaking paper bag na puno ng pagkain. “Dalhin mo ito. Ihahatid na kita sa labas.”
Ngumiti ako. “Thanks, Nana.”
Lumabas kami mula sa kusina. Tiningnan kong muli ang staircase umaasa na ihahatid ako ni Mom. Pero wala siya. Baka nasa loob na ng kanyang kwarto. Huminga ako ng malalim. I shake my head and tried to smile. It’s okay. Everything is going to be fine. Maybe I need this. To clear my mind.
Lumabas kami sa bahay at pumunta sa gate. Sa driveway palang kita ko na ang headlights ng minivan nina Stephen. Madilim ang paligid at tahimik. Nakita ko ang silhouettes ng mga kasama ko na naghihintay.
Nasa harap ng sasakyan si Stephen na tila ba nagsasagawa ng huling check-up sa sasakyan bago ang mahabang byahe. Charlie is sitting on the sidewalk with his phone illuminating his face. Kausap ni Rhea si Gavin na nakasandal sa side ng sasakyan. Samantalang nasa harap ng gate si Lawrence at nakatingala sa bahay.
Siya ang unang nakakita sa akin. Agad siyang kumaway. Napangiti ako.
“Sila ba ang mga kaibigan mo?” tanong ni Nana na naglalakad sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...