Spectacular: Eleven

431K 18.6K 6.3K
                                    

11.

Naka schedule marelease ang magazine sa last quarter ng taon. Around November or December. Pero October na at nagkakaroon parin kami ng ilang problema. Bago semester break ay kailangan na namin na magkaroon ng final draft para mag undergo sa changes at editing. Pero maliban doon ay may dalawang event pa bago ang semester break na madalas pag usapan ng grupo. Ang Foundation Week at Final exams.

Dalawang buwan na ako sa Arcadian. And so far, maliban sa suspicious stare na nakukuha ko sa bahay, sa mga conversations na kadalasan ay napupunta sa katahimikan, maayos pa naman ang lahat.

Dahil lagi silang busy, halos hindi na nila ito napapansin. Hangang hindi naman naapektuhan ang pag aaral ko, at kakampi ko si Nana Lourdes, hindi sila gaanong naghihinala.

Hindi niya ako kinokonsinti. Mas gusto niya lang makita akong excited na pumasok, napapagod, nafu-frustrate, natutuwa. Kesa yong nakikita niya dati bilang perpektong robot na anak ng amo niya.

Katatapos lang ng klase namin noong hapon yon sa Taxation. Pag alis ng professor namin ay agad pumunta ang class president namin sa harapan. Sinabi niya na wala munang aalis sa room. My classmates groaned in unison.

It’s Friday after all. Halos excited na ang lahat na umalis. It has been a hectic week since pinag sasabay namin ang academics at preparations para sa Foundation Day next week. It’s a whole week celebration na halos ilang lingo ding pinaghahandaan. There are activities like parade, booths, battle of the bands, pageants and other programs.

“Class, apat sa subjects natin ang nagparequire ng attendance para sa Foundation Day.”

Halos gumuho ang mundo ng ilan sa mga classmates ko. I tried to stifle a laugh though apektado din ako. Hindi ako madalas nanonood ng mga events sa university. Pumupunta lamang ako sa unang araw and the rest is vacation for me.

Pero madalas may mga pinapagawa pa ang mga professors tulad ng research papers or attendance. Just to make sure na pupunta ang mga estudyante sa events o may gagawin habang walang pasok.

“Ano ba naman yan. Nakaplano na ang bakasyon ko eh!” reklamo ng kaklase ko. Bumuntong hininga ako. Same.

“Masaya yon!” sinabi ni Miss President. “Madaming activities! Let’s also support our representative in Miss Foundation!”

“Paano natin ma-enjoy ang Foundation kung tambak naman ang take home activities natin?”  reklamo ng pinakamatanda sa klase.

You see, we are not exactly the outgoing type of college students. We have a lot to worry about like paper works kaya minsan instead na mag attend sa mga school events, madalas nagstay nalang kami sa bahay para gawin yon or mag review.

We are more on the competitive side. Makikita mo sa college namin ang mga pinaka competitive na tao. They are serious, logical, and realist. Tila ngayon palang sinasanay na nila ang sarili nila. They are soon to be in the corporate and business world after all. A competitive career.

That’s why most of the time I feel left out. I’m a sore thumb in this place. They are so sure of what they wanted to be and how to get there. While I struggle to see where I will be after all of this ends.

I don’t see myself in the business world no matter what I do. Ayokong nakukulong sa enclose na lugar buong araw. Maybe I’m just weird but instead of computing numbers I want to experience life, I want to create something that will remind me how awesome it is to be here.

I do like my classmates. Sometimes people treat other people as competitions no matter how wide the smile plastered on their face when they talk to you. But there are times we are okay. May mga oras na masaya kami sa classroom. It’s not the best but it is enough.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon