Spectacular: Four

623K 21.9K 6.9K
                                    

4.

Hindi ko sinasabi kanino man ang tungkol sa nangyaring test. It's kind of scary and liberating at the same time, knowing that a single decision can alter someone's monotonous life.

Pero kapag iniisip ko ang magiging problema kasama nito, nawawalan ako ng conviction. Is it really worth it? I never wanted complications. Especially if it's between what I want and what it should be.

At mas lalo pa itong lumala pagdating ng Friday ng hapon.

Katatapos lang ng klase namin nang makasalubong ko si Melanie Aragon- ang Student Council President ng college namin. Siya lang ang familiar sa akin sa Student Council since magkasama sa trabaho ang Dad namin.

"Hi, Isabelle."

Pilit lamang akong ngumiti. Noong mga oras na yon ay hindi parin ako nakakapagdecide tungkol sa Arcadian kaya, unfortunately, hindi niya din ako makakausap ng matino.

"Naka usap ko nga pala ang Dad mo kahapon after his meeting with my Dad." she chirped.

Halos hawak ko na ang headset ko para ilagay sa tenga subalit hindi ko magawa dahil patuloy siya sa pagsasalita.

"He told me you're planning to join a school organization?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Doon palang alam kong hindi magiging maganda ang takbo ng usapan na ito.

"He mentioned about inviting you as a member of the Student Council. Of course pumayag ako since we all know you're one of the most qualified candidate-"

"No, thank you." sagot ko nang hindi pinapatapos ang sinabi niya. "Wala akong balak tumakbo o sumali sa kahit saan."

Bahagya siyang nabigla sa sinabi ko, dahilan para mapatingin ang iba pang estudyanteng nasa corridor sa direction namin.

"Oh." aniya. "But your Dad told me you're willing to join."

I managed to smile politely bago sumagot. "I'd rather be a full time student." Though I know it's a downright lie.

"Sayang naman." she said with a frown. "Nasabi ko pa naman sa partylist ko na may ipapakilala akong qualified candidate."

"Sorry." tanging nasabi ko. "Uhm, sige, mauna na ako."

Nag paalam ako at magpapatuloy na sana sa paglalakad sa corridor nang muli siyang magsalita.

"Kung magbago ang isip mo, Isabelle, just approach me, okay? Or may meeting kami sa Saturday. I'll wait for you."

Napa-paused ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Okay, thanks." sagot ko nang hindi lumilingon. I heard a faint frustrated groan from her bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Paniwalang paniwala ako na gusto ni Dad na mag focus ako sa pag aaral ko- then BAM! I mentioned about joining an organization and they thought 'why not?' make her join an organization that would surely help her or her image or whatever.

Kung disappointed si Melanie sa nangyari, believe me, mas disappointed ako sa sarili ko. I never should have mentioned about joining an organization in the first place. Especially in front of my parents. I just gave them another opportunity to make a decision for me.

--

Sa dinner noong gabing yon, kinausap ko si Dad tungkol sa nangyari. Luckily ay naisipan nila na umuwi on time. Nakaharap kami sa hapag kainan at tahimik na kumakain nang magsalita ako.

"Dad, nakausap ko si Melanie, the daughter of Mr. Aragon." Pinagmasdan ko kung paano siya tumigil sa pagkain at napatingin sa akin. "You told her I wanted to join the Student Council?"

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon