14.
Sa pangalawang araw ng Foundation Day, nagkaroon muna kami ng mabilis na meeting sa office bago pumunta sa kanya kanya naming task. Mas madami ang mga activities ngayong araw dahil nagsimula na ang mga mini sports competition at university wide race.
Si Lawrence at Pia ang naka assign na magcover doon dahil ito ang isa sa mga pinakanakakapagod. Isa yong race kung saan may mga challenges at clues na nagkalat sa buong university at sa downtown.
There are task like finding something in the wet market, riding a jeep to the next location, searching for building signage, at kung ano ano pa. Kailangan nilang masundan ang progress ng race para makuha ang buong story ng kung sino man ang mananalo.
Nagtagal ang race ng buong umaga. Balita ko mula sa College of Engineering ang nanalo. Habang nasa race si Pia at Lawrence at nasa ibang events ang iba pang members, katatapos ko namang magcover ng event sa College of Nursing. Isang university version ng game na Who Wants to be a Millionaire.
Hindi na ako nagtaka nang mangaling sa College of Business and Accountancy ang nanalo. Tatlo ang nakarating hangang sa final question. Nagbigay ang winner ng maikling interview. Alam niya din galing ako sa CBA kahit hindi ako nakauniform. Nagtaka siya na maliban kay Pia na kasalukuyan niyang kaklase, may iba pang member ang Arcadian na mula sa college namin. Sinabi ko na bago lang ako kaya ngayon niya lang nakita.
Hapon na ang susunod na event. Kumain muna ako sa labas ng university since napakaraming kumakain sa cafeteria ngayon. Tinext ko ang mga kasama ko kung kamusta sila sa mga task nila.
Pia sent a crying emoji and Rhea sent a picture of her and Charlie inside the multi-purpose hall in the College of Education with the caption: “get us out of here!” Nasa isang talk or mini seminar siya with Charlie dahil required na pumunta ang mga students sa college nila.
Stephen sent me a picture of the dreary sky with the caption: "Uulan pa yata." Napatingin ako sa labas ng bintana ng fast food kung saan ako kumakain. And true enough, ang makulimlim na langit kanina ay mas dumilim pa. Mabuti na lamang at patapos na ang race at this time. Ang inaalala ko ang mga booths. Kung anong init kahapon, yon naman ang kulimlim ng langit ngayong araw. Nang patapos na akong kumain nagtext sa akin si Gavin.
“Babes, start na ng program.”
Bigla kong tiningnan ang orasan sa phone ko. One o’clock. Oh crap. Nagmadali kong inubos ang kinakain ko. Naka assign kaming dalawa ni Gavin sa event ng Ms. Foundation na gaganapin sa gymnasium ngayong hapon. Dumaan muna ako sa comfort room bago lumabas. Halos manlumo ako nang makitang tuluyan ng umulan sa labas. Muli kong tiningnan ang phone ko. May text ulit si Gavin.
“Babes, san ka na?”
Napakagat ako sa labi ko habang nagrereply. “McDo sa labas ng uni. Papunta na ako.”
Agad siyang nagreply habang naglalakad ako papunta sa pintuan ng establishment. “May payong kang dala?”
Bumuntong hininga ako at nag type. “Wala.”
Bumungad sa akin ang basang paligid paglabas ko. Walking distance lang ang university at halos tanaw ko ang sidewalk na may shed papunta sa main gate sa kinatatayuan ko. Plano ko sanang takbuhin na lamang ito. Subalit natigilan ako nang makitang may tumatawag sa phone ko. It’s Gavin.
“Babes, nandyan ka pa?” ang bungad niya nang sagutin ko ang tawag.
“Uh, yes. Palabas na ako—“
“Hwag kang aalis dyan. Hintayin mo ako.” sinabi niya bago ni-end ang tawag.
Pinagmasdan ko ang screen ng phone ko. Wala akong nagawa kundi maghintay sa labas ng building na hindi naabot ng ulan. Ganoon din ang ilan sa mga kalalabas lamang at walang dalang payong tulad ko. Karamihan sa mga kumakain dito ay estudyante dahil isa ito sa pinakamalapit sa university.
BINABASA MO ANG
Something Spectacular
Teen FictionIsabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she s...