Chapter One
Ilang taon narin ang nakaka lipas mula ng umuwi ako ng bansa. Paglapag ng eroplano at ng maka tungtong ako sa malawak na airport nagulat ako ng ilibot ko ang mga mata. Hindi ko na kasi makilala sa dami ng ipinag bago ang lugar. Masasabing patuloy ang pag unlad ng bansa base sa mga nakikita ko.
Hinaplos ko ang tiyan ko ng maka ramdam ako ng kaba, sa tagal kong di umuwi ina asahan ko na kung gaano kagalit ang mama ko. Kahit kailan mula ng pumunta ako sa US hindi naman kami nawalan ng koneksyon ng pamilya ko madalas ko parin silang tinatawagan para din malaman kung kamusta na sila.
Panganay ako sa pamilya namin at ng matapos ako ng college kaagad na inisip ko ay ang makapag abroad dahil sa bread winner ako ng pamilya at kung habang buhay akong sa pilipinas lang mag ta trabaho malamang na hindi kumasya ang kikitain ko. Hanggat maaari gusto ko ng tumigil si mama sa pagtitinda sa palengke at manatili nalang sa bahay. Gusto ko rin na maka tapos ang mga kapatid ko sa pag aaral.
Kung pag iisipan napakarami kong gusto. sino bang hindi?
Sa pamilya ko apat kaming magka-kapatid, katulad ng nauna kong pahayag panganay ako, at mahigit anim na taon akong nanirahan sa ibang bansa ,ngayon lang ulit ako naka uwi mula ng maka pag trabaho ako doon. Kinailangan kasi talaga ni mama ang tulong ko at kahit labag sa loob kong iwanan sila nag sabay sabay ang gastusin namin ng bigla ring magka sakit si papa hanggang sa tuluyan syang bawian ng buhay. Nabaon ang pamilya namin sa utang at ako lang ang pwede nilang asahan. Kami lang din naman ang mag tu tulungan.
"Ate? Ate Gabby? Ate!" Muntik na akong mawalan ng balanse ng takbuhin ako ng yakap ng kapatid kong bunso. Pag labas ng airport sya kaagad ang sumalubong sakin.
"Patience? Patty ikaw na ba yan?" Pinag masdan ko ang bunso namin na dalaga na ngayon. Nung umalis ako sampung taon palang sya at napaka liit pa ngayon mas matangkad na sya sakin.
"Ate halos di na kita nakilala. Mukha ka ng foreigner" mahigpit ko syang niyakap habang tumatawa ng mapa tingin ako sa likuran nya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dalawa ko pang kapatid na lalaki.
Napansin nilang naka tingin ako sa kanila kaya mabilis silang lumapit at niyakap ako. Halos buhatin pa nila ako sa sobrang excitement, natawa ako ng maluha si Stephen na syang sumunod sakin, isang taon lang ang pagitan ng edad namin. Habang si Arthur na fifteen years old palang nung umalis ako binatang binata na. Kaagad nilang binuhat ang dalawang maleta ko saka naman naka yapos si Patience sakin ng mag lakad kami.
Katabi ako ni Patience sa likuran ng sasakyan ni Stephen habang yung dalawang lalaki nag tabi sa harapan. Kahit na kanina mabigat ang kalooban ko napalitan iyon ng saya ng makita ang mga pamilyar na mukha nila. Nakakatuwa na yung mga kapatid ko napaka lalaki na ngayon. Sa pagkaka alam ko may asawa na si Stephen na ngayon ko palang makikilala dahil hindi ako naka uwi ng magpa-kasal sila.
"Ate Gabby buti talaga umuwi kana. Palaging sinasabi ni mama na kinalimutan mo na raw sya eh at puro kana lang daw trabaho" napa ngiti ako dahil kahit na anim na taon akong hindi nakita ng bunso namin wala paring nagbago sa kanya.
"Patty parang di kapa nasanay kay mama alam mong masyado talagang madrama yun" dagdag ni Arthur na naka lingon samin, ngumisi pa sya ng malaki sakin. Di ko napigilang lumapit at guluhin ang buhok nya.
"Oho! Kuya Steph ginulo ni ate yung buhok nya, gusto kong makita kung magagalit sya" Tinitigan ko ang reaksyon ni Arthur, ngumiti lang sya ng malaki.
"Hindi ako magagalit dahil hindi naman alam ni Ate ang rules. At kung may pwedeng gumulo ng buhok ko si ate Gabby lang yon" nag krus ng braso si Patience saka ngumuso.
"Till now kuya Art unfair ka!" nilabas ni Arthur ang dila nya at ininis pa lalo ang bunso namin.
"Guys kadarating lang ni ate, wag nyo syang takutin dyan sa pag aaway nyo" Mabilis silang nag yakap at sa tingin ko halos masakal si Arthur ng hatakin sya ni Patience mahigpit kasing naka kabit kay Art ang seat belt.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...