Nose bleed ako kay Andrea I'm suffering from blood lost, that's for sure - Mikay
---
Chapter Three
Kasama ako ni mama sa store ng makaramdam ako ng pagkahilo halos bumaligtad rin ang sikmura ko sa di maintindihang rason. Mabilis akong napa isip, parang napaka aga naman para makaramdam ako ng mga ganito. Tumakbo ako sa pinaka malapit na comfort room para sumuka. Hinaplos ko ang tiyan ko ng makaramdam ako ng kaba, kapag nag patuloy ito malalaman na nilang lahat.
Kahit pa gusto ko pang patagalin ang pagsasabi ng totoo mukhang mapapa aga ang pag amin ko. Matagal ko na man ng gustong sabihin sa kanila kaya lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Natatakot ako sa pwedeng sabihin sakin ng pamilya ko dahil sikreto ito na walang kahit isa sa kanila ang may ideya.
Pag balik ko sa pwesto ni mama nag aalala syang nag tanong kung may nakain daw ba akong luma na o baka nabilad daw ako sa araw kaya sumakit nalang bigla ang tiyan ko. Mas kinabahan ako ng sabihin nyang napapansin nyang ilang beses na akong sumusuka sa umaga. May ibang uri narin ang tingin nya sakin pero di sya nag pilit na mag tanong.
Nahihilo na ako sa mga problemang pinipilit kong hanapan ng kasagutan, natatakot akong malaman ng pamilya ko ito pero mas labis na takot ang nararamdaman ko kapag nalaman nya ang kalagayan ko ngayon. Alam kong kapag nalaman nyang umuwi ako ng bansa na dala dala ang anak nya mag hahalo ang balat sa tinalupan.
Nanginig ang kamay ko dahil kung may pagkakataong malaman nya nga ito hindi ko alam kung ano ang pwede nyang gawin. Nakagat ko ng madiin ang labi ko, bakit ako matatakot sa kanya? Sa pagkaka alam ko sya ang may kasalanan sakin.
"Okay kalang ba anak?" tumango naman ako pinilit ko ring ngumiti sa mama ko.
"Okay lang ma, sa bahay ko nalang sasabihin lahat. Uuwi na muna ako" Naglakad na ako paalis bago pa sya maka sagot.
Nag takip ako ng kamay sa noo ko ng masilaw ako ng sinag ng araw, may nag flash sa utak ko yung memorya na kahit pa yata pilitin ko ng kalimutan nag pupumilit na lumabas sa utak ko para di ko makalimutan yung mga pagkakataong nagsimula akong mahulog sa kanya.
-
Ilang buwan ang lumipas nang magkita ulit kami ng babaeng may abong mga mata. At sa di ko pa ina asahang pagkakataon. Ilang oras nalang ng gabing iyon matatapos na ang duty ko ng may isugod na babaeng duguan ang buong braso, dahil sa hysterical na yung kasama nyang babae na naka business suit nakuha nila ang atensyon ko.
Ako ang na assign na linisin ang braso nya bago tahiin ni Doc Mart ang sugat nya, binilin din sakin ng head nurse namin na maging mabait at hangga't maaari pilitin kong wag syang masaktan. Kumunot noo ako di ko rin maintindihan kung bakit parang napaka halagang tao ng aasikasuhin ko.
Ipinag walang bahala ko nalang iyon ng pumasok sa kwartong in assign kaagad sa kanya habang tulaktulak yung mga gagamitin ko. Nakita kong naka higa sya sa kama at naka takip ang braso nya sa mukha. Wala akong nakitang sakit sa itsura nya, sa totoo lang parang bored pa sya sa nangyayari ngayon. Pero hindi iyon ang nagpa tigil sakin, kundi ng ma recognize kong sya yung babaeng ilang beses kong inabangan sa Vintage yung coffee shop na palagi kong tambayan.
Napag masdan kong merong diretsyong punit mula siko hanggang pulso yung suot nyang polo. Hindi ko napigilang mag alala sa dami ng dugo ngayon na nasa damit at kamay nya. Kaya mabilis akong lumapit,doon lang naman sya umupo at bored na tumingin sakin.
"Sorry ma'am but I have to cut your clothes off" nag kibit balikat sya.
"Just get on with it, I don't have time to waste" tumango ako at pinilit kong wag manginig ng hawakan ko sya. Ginupit ko yung sleeve ng kanang damit nya.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
Roman d'amourNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...