Forgiveness......

984 50 2
                                    

"Forgiveness is the final form of love"

-Reinhold Niebuhr


Chapter Twenty-six








Tumitig ako sa dingding ng tahimik kong kwarto habang naglalakbay sa kawalan ang utak ko. Puno ng kalungkutan ang puso ko,hindi yung kalungkutang masakit sa puso kundi kalungkutang nakaka pag pamanhid sa buong katawan ko.

Parang napaka madrama ng marinig pero nitong ilang buwang lumipas nagkaroon na ng puwang sa puso ko na diko alam kung paano pupunan.

Dumako sa nahihimbing na si Allison ang mga mata ko, hinaplos ko ang matabang pisngi nya. Kaagad nanlabo ang paningin ko tuwing iisang tao lang ang ipa-aalala nya sakin.

"Nasan na kaya ang mommy mo ngayon?" Tanong ko sa gitna ng katahimikan. "Iniisip nya rin kaya tayo ngayon? Meron din kaya syang urge na makita ka?"

Tuluyang nag landas ang luha sa pisngi ko,huminga ako ng malalim ng manikip ang dibdib ko sa labis na emosyong nais ng kumawala.

"Kung dumating ba sa puntong tayo nalang talagang dalawa? Magiging sapat ba ako Ally?" Sa paglayo ni Andrea ng tuluyan ilang beses ko naring naisip na,ano kayang magiging hinaharap namin ng anak ko.

Dahil kahit malaki na akong ng mawala si Papa naging napaka hirap parin sakin. Kasi iba parin ang pakiramdam ng may dalawang magulang at kakayanin ko bang punan yung presensya ni Andrea kung sakali?

Napaka aga pa para isipin ang mga bagay na ito pero kaya nga ako naging over-thinker kung di ako advance mag isip. Ayokong mag kulang sa anak ko,diko nais na makaramdam sya ng pangungulila para sa isa pang taona dapat nasa buhay nya rin.

Napa buntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa puting kisame, sa ginawa ko diko napigilan ang sariling bumalik nanaman sa nakaraan. 

. . . .

Habang pinagmamasdan ang nahihimbing na pigura nya nakaramdam ako ng kakontentuhang ngayon kolang naramdaman. Wala na akong hahanapin pa, isa iyon sa mga ipinagpapasalamat ko. The long wait is over. 

Finally nandito na sya sa harap ko at alam kong napaka aga pa para sabihin or mag declare na sya ang one true love ko dahil tiyak akong matatakot sya or baka takbuhan nya ako. Dipa naman sya mahilig sa mga clingy.

Ano nalang ang sasabihin ng pamilya ko? Totoo bang pumunta lang ako dito para lumandi? Pero iba ang meron kami ni Andrea alam kong di ito katulad ng ibang bagay na madaling nakakalimutan. Ito yung tipo ng mga relasyong alam kong hanggang dulo na.

Niyakap ko ang kumot sa kahubdan ko at mas dumikit sa mainit na katawan nya. Pinadaan ko ang index finger sa noo, sa matangos na ilong nya hanggang sa malambot na labi nya. Paano ako pinalad na makilala sya at mahalin sya?

Nalukot ang ilong nya at maya maya pa ay dumilat na, napa ngiti ako ng humarap sya sa pwesto ko ngunit ang diko lang ina asahan ay kung gaano kakinang ang abong mga mata nya ngayon.

"Good morning" May kiliting gumapang sa tiyan ko pababa sa pagitan ng hita ko ng marinig yung paos na boses nya.

"Good morning" Niluwagan ko ang kapit sa makapal na kumot ng yakapin nya sa ilalim nito ang hubad na balakang ko.

"I think I love waking up next to you" Gusto kong mapa "aww" sa softness nya.

"How can you be so sure? It's only been the second time" Ito ang unang gabi namin na may nangyari kaya siguro elated ang kaluluwa ko.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon