Expect the Unexpected

963 58 16
                                    

Chapter Twenty-four







Ilang beses ko ng kina usap sa cellphone si Courtney, sya na mismo ngayon ang nagbibigay ng update sa kalagayan ni Andrea. Nalaman ko kinagabihan ng araw na nag usap kami ni Jonathan na bumalik na sa US ang asawa ko.

Kasama si Courtney na ang tanging sinabi sakin ay mas sumubsob sa trabaho si Andrea. Hindi nya ito maka usap at parating galit. Nasaktan ako ng malaman na sa halip na kausapin ako umalis sya at mas piniling iwan na ako ng tuluyan. Parang ang unfair nya parin kung minsan,lalo na kapag nag selos na sya.

Kaya dina ako nagtaka ng makita ang finalize na divorce papers na dumating sa pintuan ko. I felt betrayed, pero kung iisipin ito naman ang gusto ko. Sinabi ni Courtney na hindi si Andrea ang nagpasa ng divorce papers ,pinilit nyang ipaliwanag na kahit na nasasaktan gusto parin ni Andrea na buuin ang pamilya namin.

Diko nalang mapaniwalaan ngayon yon, Ilang buwan kona syang di nakikita, at nangako sya noon na sya ang magiging kasama ko sa mga doctor appointments ko na di nangyari.

Kulang dalawang buwan nalang manganganak nako at tinanggap ko na talagang hiwalay na kami kahit pa napaka sakit non. At kung lumitaw din naman sya sa harapan ko ngayon wala rin akong idea kung ano ang gagawin sa kanya.

Sa labis na sakit kasabay noon nabalutan ng labis na galit ang puso ko, kaya di magiging healthy na magkita kami siguro ang balak nya eh bisitahin nalang ang magiging anak namin at kahit na ayaw ko diko aalisin sa kanya yung karapatan na maging parte ng buhay ng anak ko, na anak nya rin naman.

Ang diko lang magagawa ay ang patawarin pa sya, may kasalanan man ako at diko man ipinaliwanag ng maayos yung mga nakita nya wala na akong pakialam. Siguro till now nagiging maka sarili ako.

Maaaring napatawad kona sya sa naging kasalanan nya noon pero diko mapasunod ang sarili kong patawarin sya sa pang iiwan nalang basta sakin ng walang paalam.

Ano ba talagang gusto mo Gabrielle?.... Pati ako di masagot iyon dahil nung nandito sya itinutulak ko sya palayo. Ngayong tuluyan nya na akong iniwan mas lalo naman sumama ang loob ko.

Nag bihis ako, hinaplos ko ang tiyan kong sinlaki na ng bola ng basketball ngayon habang nag li lipstick. Naisip kong mag hanap sa mall ng iba pang gamit ng baby ko, ito nalang ang pinagkaka abalahan ko. .

Ilang beses narin akong pinagalitan ng doctor ko na wag ng lumabas ng bahay pero tuwing ganito katahimik sa bahay dahil mag isa ako wala akong magawa kundi ang mag libot, saka alam kong maganda rin naman na mag lakad lakad kahit pa na sandali lang.

May ingat akong bumaba ng staircase, alas dyes palang ng umaga kaya wala ng katao tao sa buong kabahayan, nasa kindergarten si Josh na binabantayan ni Aaliyah, habang ang dalawa kong kapatid nasa Uni, si mama nasa palengke. Kadalasan si Stephen lang ang free dahil may time na talagang di sya pina papasok sa trabaho ni mama para bantayan ako.

Kaya ganoon ka boring ang buhay ko, dahil ultimo mga kaibigan ko may pinagkaka abalahan at ma swerte nako kapag napa dalaw sila sa bahay namin. Pag tapat sa front door saktong umalingawngaw ang doorbell sa buong kabahayan.

Pag bukas ng pintuan nanigas ako, diko mapaniwalaang tinitigan ang nasa harapan ng gate namin ngayon. Ilang minuto bago ko nai galaw ulit ang mga paa, pina pasok ko ang babae at diko napigilan ang kanang kamay na dumapo sa pisngi nya.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon