"Fairies are real. I have one. She calls herself my sister"
- unknown
____
Chapter Twenty-nine
Nasa kalagitnaan kami ng preach ng manginig ng manginig ang cellphone ko sa bag. Nagkatitigan kami ni Andrea ng makita si Courtney na tumatawag. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"What do you think she'll say?" Nag kibit balikat lang naman sya at ibinalik ang tingin sa pastor.
Sa lahat diko ine expect na sya ang makikinig sa sermon with rapt attention. Never syang nakipag usap or never kong nakitaan ng boredom ang mukha nya. Hindi katulad ni mama sa tabi ko na kunwari pang nag bukas ng bible umiidlip naman na.
Ni reject ko muna ang tawag ni Courtney at nag text sa kanya na nasa church ako at masasagot ko sya matapos namin dito. Diko parin sinasabi na kasama ko si Andrea , base parin sa gusto ng asawa ko.
"Alam nyo narinig ko kama kailan lang sa pina panood na video ng anak ko. Sa halip na pag sabihan sya na puro sya cellphone naki nood nalang ako"Nagkatawanan sa loob ng church, pati si Andrea naki sabay, napa iling ako sa amusement sa kanya.
"Sinabi nya mawawalan ng saysay ang pagkamatay ni Cristo sa krus kundi tayo gagawa ng kasalanan. Namatay nga sya dahil sa kasalanan natin, hindi ba? Sandali akong napa isip noon saka ko napag tanto na kasagutan iyon sa panalangin ko para sa magiging tema ng sermon ko sa araw na ito" Diko mapigilang mamangha sa pagiging engrossed ni Andrea kay pastor.
Sa ilang pastor na narinig ko dito sa church si Pastor Joey ang pinaka gusto ko sa lahat. Bata palang ako madalas ko na syang marinig dito at walang sermon nya ang nakaka antok dahil kahit na matanda na sya ngayon, young at heart parin daw sya. Madalas pa syang mag biro di katulad ng iba na masyadong seryoso.
"Ilang araw nakong nagdarasal sa Diyos ng sermong magiging karapat-dapat para sa araw na ito at sa simpleng video na iyon ko nakuha ang sign na hinihingi ko sa kanya" Umiyak si Allison at sinubukan ko syang patahanin, sinubukan kong isubo sa kanya yung feeding bottle na dala namin pero ayaw nya rin.
Nag init ako sa kahihiyan na nakaka abala na kami ngayon ng kunin sakin ni Andrea ang anak namin. Bumulong sya kay Allison ng sweet nothings at ilang segundo lang natahimik na ito. Naka hinga ako at tahimik na nag pasalamat sa hangin.
Nag patuloy ang sermon at di nako nag salita para abalahin ang focus ni Andrea, paminsan minsan ko nalang binu bunggo ang braso ni mama kapag sumusubsob na sya sa bible or may nakaka pansin ng natutulog sya.
Nag tayuan ang lahat ng matapos ang closing prayers, nakita ko kasama ng music industry si Jonathan na kanina pa lumilingon sa pwesto namin. Nawala si mama at sinabing kakausapin nya na muna ang mga amiga nya.
Diko inalisan si Andrea na nanatiling naka upo, mukhang gutom parin si Allison dahil halos maubos na nito ang laman ng bote na talagang in- extract ko kanina bago umalis ng bahay.
"Ate Gabby hi! Sabi ni tita sa inyo daw ang prayer meeting sa Wednesday. Hello Ally" Sumulpot sa kung saan ang pinsan kong si Harlene.
Sa lahat ng pinsan ko sya lang yata ang walang katanungan sa presence ngayon ni Andrea. Naupo sya sa tabi ng asawa ko at nilaro ang maliit na daliri ng anak ko. Kaedaran sya ni Patience at sya lang din yata ang ka close ng kapatid ko sa lahat ng pinsan namin.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...