"the right person always finds you at the right time" -r. m. drake
________
Special Chapter
"Ang sabi mo uuwi ka" Masakit man sa tenga diko napigilang maging needy sa mga panahong ito.
Mag i isang buwan na sya sa ibang bansa at mukhang wala parin syang balak na uwian ako rito. Noong nag paalam pa sya nangako sya sakin na di nya hahayaan lumipas ang isang linggo na di ako nakikita pero four weeks na ang lumipas at wala parin sya.
Malamang na kung makikita ako noong seventeen years old na sarili ko, tiyak kong hindi lang batok at sampal ang matatamo ko. Dahil bata palang sinanay kona ang sarili na di nangangailangan ng pansin ng iba.
At sa totoo lang nung time na nagka gusto ako kay Jonathan, tuwing manlilimos ako ng konting atensyon mula sa kanya. Parang literal na pinuputol sakin ang braso't mga binti ko.
Ilang beses ko naring ninais na ilibing nalang ako ng buhay sa hiya na ginagawa ko iyon sa sarili ko kahit na obvious namang di ako titignan ng dalawang beses ni Jonathan.
Sa mga panahong iyon, naisip kong normal lang iyon dahil ganoon naman daw talaga kapag nagmamahal ka. Kahit na pigilan at di mo pa sang ayunan, huli na sa mga desisyon mo ang masusunod.
Tanging bulong nalang kasi ng puso ko ang iniintindi ko. Ganoon ako katanga noon, aminado ako sa isang fact na iyon.
Pero ng dumating si Courtney wala sa inaasahan ko ang mga naganap. Kasi noong una kina usap ko sya dahil sa napaka friendly nya, meron syang sinabi sa buhay pero di nya ipinararamdam sa mga naka paligid sa kanyang sya lang ang mahalaga.
Considerate sya sa sitwasyon ng tao kahit pa di nya sila kilala. Palagi syang sensitive sa mga sinasabi nya sa takot na maka sakit sya ng damdamin ng iba.
Now while reflecting on it. Na realize ko na isa ang mga bagay na iyon sa naging dahilan at labis ko syang minahal. Kasi napaka buti nyang tao at napaka swerte ko at binigyang pansin nya ko.
Kaya ngayon needy mang matatawag, wala na akong pakialam. Sya ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko at hindi ko pag sisisihan maging clingy man ako.
"I'm sorry mahal, I didn't intend for this to happen. You should know that I miss you so bad." Narinig ko yung mahinang sniffles sa kabilang linya na tumunaw ng puso ko.
"I miss you din mahal, ano ng gagawin natin nito? Parang mababaliw nako kapag dipa kita nakita ngayon" Naiiyak naring sagot.
"I'm so sorry talaga. I promised you na as soon as I fix the problem here I'll be back. Okay? Ayokong malungkot at magalit ka sakin" Tumingala ako sa kisame at umiling iling.
"No, i know na mahalaga ang ipinariyan mo. I'm sorry kung sobrang needy ko ngayon. Miss na miss na miss lang kasi kita" Mahina syang natawa, napa ngiti naman ako.
"Mas miss na miss na miss na rin kita. Believe me if I have the choice I'll book the earliest flight to be with you" Tumingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko at pinanood doon yung unti unting pag liwanag ng araw sa kalangitan.
"I know I'm sorry again. Basta tapusin mo na ang lahat ng kailangan mong tapusin dyan then umuwi kana sakin" Bilin ko.
"Opo, I'll fix this immediately para maka uwi nako" Diko alam ang gagawin kasi sa ngayon napakalaki ng urge kong yakapin sya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...