Epilogue 1

1.1K 47 1
                                    


"Family: where life begins and love never ends" -Unknown


---




Pag mulat ng mga mata nabusangot ang ilong ko at ng idilat ang mga mata puno ng buhok ni Allison ang mukha ko yung iba dito nasa bibig ko pa. Habang naging makirot naman ang tagiliran ko sa siko nya na naka diin sa parteng iyon.

Tuluyan akong nagising sa pagkaka himbing, rinig narin mula dito yung tilaok ng tandang ng kapit bahay naming mahilig makipag sabong.

Inayos ko ang pagkaka higa ng anak kong apat na taon palang pero napaka bigat na dahil sa sobrang chubby nya. Tuwing nakikita ang katawan nya natutuwa naman ako kasi napaka cute nya kaya lang ayoko syang maging sakitin kaya madalas ko syang napag sasabihang mag diet.

"Oh my gulay, mababalian ako ng likod sayo anak ko" Reklamo ko ng subukan kong iayos ang pagkaka higa nya.

Lumingon ako sa asawa kong napa ungol sa sakit ng tumama naman sa mukha nya ang paa ni Allison. Napa ngiwi ako at kaagad na hinawakan ang binti ng anak kong kahit tulog may sinasaktan.

Hinaplos ko ang mukha ni Allison at napa ngiti dahil lumalaki syang kamukhang kamukha ng mommy nya.

Napa lingon ako dahil mula sa labas ng bintana narinig ko ang morning concert ng bunsong kapatid kong abalang mag dilig ng mga bulaklak ni mama.

Tumayo ako at nag inat,pag dungaw ko di ako nagkakamali ng makita si Patience, sukbit nya ang baby carrier ni Eleanor. Hindi naman nawala ang pagiging possessive ng kapatid ko kay Ally pero umamin sya na tuwing susubukan nyang buhatin ang anak ko habang magdidilig, nanghihina ang tuhod nya.

Alam naman naming lahat na di kagaanan si Allison.

Kaya kahit na di morning person ang bunso kong si Eleanor sya ang laging guest listener ng tita Patty nya. Kagandahan lang na mukhang kada araw na nag ba bonding sila nagiging magka sundo narin sila.

"Mama?" Napa balik kay Allison na pupungas pungas ang tingin ko.

"Bakit? You can sleep some more. Maaga pa naman" Gusot ang ilong nya saka ko napansing basa ang kobre kama namin.

"I peed, I'm sorry. Kasi there's a ghost chasing me in my dream" Malalaking matang kwento nya pa sakin.

"Okay, tara na dito para mapalitan na kita. Lagot tayo kay mommy mo pag naramdaman nyang basa nanaman yang sapin natin" Balik ko naman.

"Ooopsie" Nag ikot lang naman ako ng mata , saka sya binuhat.

"Ally I think mas best kung babawasan natin yung kanin mo. Kasi look dika na mabuhat ni mama. Super bigat ng pwet mo,saka paano nalang kung dina makipag laro sayo sila kuya Josh mo kasi mahirap ka ng itago nyan sa hide and seek" Sa halip na ma offend tumawa sya ng malakas.

"Mommy said that I'm adorable. And tita Patty said na don't change for anybody, when they leave you,you will lose yourself." Na hampas ko ang noo sa narinig.

Madalas mangyari ito dahil sa strong independent woman ang tita Patty nya, tuwing may laban sa debate o kung sumali man ito sa spoken poetry ang lagi nyang audience tuwing nag pra practice ay si Allison na all ears namang makinig. Kaya lang diko alam kung dapat matuwa na ganito ka confident ang anak ko o dapat na ba akong matakot kasi malamang sa malamang na lahat ng sabihin ko may sagot sya.

"I know baby and you're right, you don't need to fit in or to please anyone. Pero ang pinaka mahalaga para sakin ay ang maging healthy ka. Ayoko lang na maging sakitin ka, lalo na minsan puro ice cream at chocolate ang snacks mo" Ilang beses ko naman na syang binawalan na kumain ng matatamis or junk foods pero tuwing tatambay sya sa grocery store ng lola nya nakakain nya ang lahat ng gusto nya.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon