Chapter Seventeen
"Meron bang naka isip ng pwede nating gawin?" Napa iling ako, hindi ko na alam kung saan pa nagmumula ang lakas nilang lahat.
Buong mag hapon silang naligo sa dagat na akala mo'y bata na ngayon lang naka kita ng tubig. Papalubog na ang araw ng maisip nilang lahat na umahon. Kahit si mama na iniisip kong manonood lang naki langoy langoy rin at pinag malaki pa kung gaano daw sya kagaling mag floating.
Matapos ang tanghalian sakin na nila iniwan yung mga kailangan iprito na di naman daw siguro mahirap gawin para sunugin ko pa. Ako lang din kasi ang walang balak na mag lalangoy sa ngayon. Pagkatapos mag swimming at nung mag simula ng dumilim nag decide silang bukas nalang ituloy at mag ready na para sa dinner.
Ininit ko narin yung mga niluto ni mama kaninang tanghali para talagang kakain nalang kami at ng mag simulang mag labas ng alak ang kapatid ko. Lumalim na kami sa pag uusap at ngayon nga tinatamad na silang lahat sa halip na matulog nalang.
"Laro nalang? Pinoy henyo?" Excited na sabi ni Patience.
"Sus tuwing may gathering iyon ang gusto mo" Balik dito ni Arthur. Meron silang mga baso ng wine dahil kanina sinabi nilang dalawa na gusto nilang maki inom kaya lang di pumayag si mama kaya naisip ni Andrea na bigyan nalang sila ng wine.
"Lasing naba kayong dalawa?" Nagbaba ng tingin yung dalawa at itinikom na ang bibig. Malamang na kapag nainis si mama patulugin na sila kahit na mag a alas nueve palang.
"Maglalaro pa eh mukhang may tama na tong mga to. Baka may ma disgrasya pa" Komento ni Rhea na masaya ng ka text ang asawa nito.
"Lasing kana?" Maya maya'y baling ko sa asawa kong namumula na ang pisngi.
"No. What do you think I am? Lightweight? Na uh not me" Iwinasiwas pa nya ang hintuturo na hinuli ko at hinawakan ang kamay nya.
"I already told you,mga tomador yan dimo masasabayan. Tignan mo ikaw lasing kana agad" Hinaplos ko ang pisngi nya na naka pag papikit sa kanya. Kung wala sa paligid si Jonathan malamang na hinalikan ko na,lalo na ngayong napaka pula narin ng labi nya.
"Gabby kaya kow tow" Lagot na nagtatagalog na ang mahal ko.
"Okay na kaya mow na pow yan" Sumang ayon lang sya sakin kahit na obvious namang iniinis kolang sya.
"What if mag sabi nalang tayo ng pinaka embarrassing moments na ginawa ni Gabby?" Kung kailan nag decide na mag salita si Angela ang tanging lumalabas lang sa bibig nya ay yung diko magugustuhan.
"Bakit ako nanaman ang topic?" Inis na sagot ko.
"Ikaw ang birthday celebrant so obviously dapat ikaw talaga ang bida" Sarcastic na balik nya. Nag init ang ulo ko.
"Embarrassing,ano ba yung nakakahiyang alala ko ni Gabby" Natahimik sila at talagang nag isip,kahit na ang asawa ko naki participate.
"Ay yung time na nakitaan ng condom ni mama yung palda nya. Ang mas nakakatawa sa kanya pa talaga iyon biglang lumitaw" Malakas na nagka tawanan ang lahat pati si Andrea dahil na kwento ko na sa kanya ang bagay na iyon.
"Sinabi ng may nag lusot lang non sa bulsa ko dahil nga Valentine's day" Pang ilang beses na pagtatanggol ko sa sarili.
"Sobrang putla ng mukha ni ate nung time na yon. Diko nga alam kung gusto nyang maihi o madumi ng sabay eh" Malakas ba naman silang nag katawanan.
"Naka isip nako. Nung time na sumugod sya sa kalagitnaan ng flag ceremony para lang sabihin sa mga teachers na may nalunod daw sa pond na hanggang tuhod lang ang tubig. Kaya kaagad na natigil ang flag ceremony,muntikan pa nga syang ma expelled dahil akala nila sinasadya nya yon" Halos mag lupasay na ang lahat katatawa lalo na sila Edwin at Denver.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomansaNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...