Memories of the past

1.4K 66 4
                                    

Chapter Two



Na alimpungatan ako sa lamig ng paligid ko at ang first instinct ko ay ang hanapin ang katawan nya. Yung malambot at mainit na balat nya ang kaagad na hinanap ng utak ko. Napa kunot noo ako ng mapansing wala ang asawa ko ngayon sa tabi ko. Dahang dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"Love?" mahinang bulong ko, ng paisa isang bumalik lahat ng ala ala nitong nakaraang buwan. Madiin kong nakagat ang labi ko ng ma realize na panaginip lang yung kanina wala talaga sya sa tabi ko.

Bumigat ang pag hinga ko na para bang may batong naka dagan ngayon sa taas ng dibdib ko. Ilang sandali pa bumalik yung sakit na akala ko matagal ng nawala, mag iisang buwan na akong naka uwi pero bakit hanggang ngayon sya parin ang nasa isip ko. Tapos naman na ang lahat samin pero bakit?

Nasasawa nako sa sakit na nararamdaman,akala ko manhid nako dahil sa totoo lang iyon naman ang dapat kong maramdaman. Dapat lang na matagal ng wala lahat ng lintik na emosyon na ito sa puso ko pero kahit na anong pilit kong kalimutan ang sya, tuwing gigising ako, tuwing sandaling mawawala ako sa sarili ko yung presensya nya kaagad ang hinahanap ng katawan at utak ko.

Yung pamilyar na amoy nya, yung kulay ng mga mata, yung ngiti nya na nakalaan para sakin lang, yung mapupulang labi nya. Wala akong nagawa ng sa hindi ko na mabilang na beses bumuhos nanaman yung luha na hindi na na ubos. Napa hilamos ako habang isa isang bumabalik sa isip ko lahat ng ala ala nya.

Alam kong puno ng galit, hinaing at selos ang buong puso ko para sa kanya ngayon pero ang yakapin lang sya ang naiisip kong pinaka tamang gawin sa sandaling ito. Kahit na nagawa nya sakin iyon, kahit pa niloko nya ako, kahit pa anong nagawa nya wala na akong paki alam ang gusto ko lang ngayon ay ang makita sya. Maramdaman yung init nya sa tabi ko, yung marinig yung mahinang tawa nya para sakin lang din. 

"Tanga ka talaga Gabrielle" bulong ko sa kadiliman sumasakop sakin.

Inabot ko ang cellphone ko saka ko hinanap yung mga litrato nya. Nang ma alala kong binura ko na nga pala iyon dahil sinabi ko sa sarili kong kailangan ko na syang burahin sa buhay ko. Wala na syang karapatang guluhin pa ang utak at puso ko dahil tinapos ko na ang lahat.

Huminga ako ng malalim, napa hinto ako ng maligaw ako sa nag iisang litrato nya sa trash ng gallery ko. Nanginig ang kamay ko at walang pag dadalawang isip na pinindot ko iyon, sa litrato ko lang nakikita ang abong mga mata nya pero bumilis ng walang pahintulot ang puso ko. Pinag masdan ko ang mukha nya na walang bahid ng kapintasan, di nakakapag takang minahal ko sya.

Pinag bigyan ko ang sarili kong titigan ang litrato nya ng ilang oras hanggang sa bumigat ang mata ko at tuluyang maka tulog na. Sa panaginip ko nandoon nanaman ang pares ng abong mata na pinag mamasdan ako na para bang ako na ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Iniisip ko na sana makatulog nalang ako at hindi na magising pa dahil sa panaginip ko kasama ko sya at hindi nya ako nagawang saktan.

Pero alam kong kaduwagan iyon at hindi ako pinalaking duwag ng mama ko, pinalaki nya akong matapang, na kayang lagpasan lahat ng pag subok na ibato sakin ng buhay. Kaya tuwing gigising nilalakasan ko ang loob ko at pinipilit mabuhay para sa pamilya ko.

Sila lang naman ang syang rason ko.

Maaga akong ginising ni mama ng araw na iyon, linggo kasi at tuwing linggo hindi kami pumapalya sa pagsisimba. Isa daw iyon sa naging pangako nya sa sarili na palaging magpasalamat sa Diyos na ikinatutuwa kong di nagbabago ganun na kasi sya bata palang ako. 

Pagdating sa church dahil sa dipa nag sisimula ang service nakipag kwentuhan muna sya sa mga amiga nya. Kahit na ang mga kapatid ko may pinagka abalahang iba, may kanya kanya silang grupo ng kaibigan. Ang natira lang sa tabi ko ay si Aaliyah na meron ding kausap na iba.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon