Chapter Ten
"Ate nag paalam kaba sa asawa mo?" lumingon ako sandali kay Patience saka umiling.
Papalabas na ang sasakyan namin sa village,naisip ko kasing magandang lumabas ng bahay dahil kung buong araw kong makakasama si Andrea baka tuluyan na akong mawala sa katinuan. Lalo pa't kung anu ano ang ginagawa at sinasabi nya na di maganda para sa puso ko.
Kaya kaduwagan man na diko aaminin sa sarili ko. Tinakasan ko sya bago sya maka labas kanina sa banyo habang naliligo. Kasi tiyak na kung malalaman nyang lalabas ako magpipilit syang sumama.
"Hindi lahat ng gagawin ko dapat kong sabihin sa kanya. Sino ba sya?" may angas na sabi ko. Nagka tawanan silang dalawa,halatang di sila naniniwala sa sinabi ko.
"Ate sinong kino-convince mo?" Tanong ni Patience,di ako naka sagot.
"Ate bakit ba parang ang laki ng galit mo kay ate Andy?" usisa ni Arthur na syang nagmamaneho.
Tumingin ako sa labas ng bintana at natahimik,ilang beses nagpapaulit ulit sa utak ko lahat ng naabutan kong eksena noon kaya ko naisipang tuluyan ng umuwi at makipag hiwalay sa kanya. Parang may kamay na bumuhay sa sakit na pinipilit ko ng kalimutan. Yung hapdi na ayaw ko ng ma alala.
"Change topic" mabilis na sabi ko sa kanila ng hintayin nila ang sagot ko.
Noon din naman tumunog ang cellphone ni Patience saka nya ipinakita kung sino ang tumatawag sa kanya. Tumaas ang gilid ng nguso ko ng makita yung pangalan ng tinik ko sa lalamunan.
Ano bang akala nya? Na natatakot ako sa kanya? Manigas sya..
"Yaan mo sya,wag mong sagutin" kibit balikat na sabi ko,pero dahil matigas ang ulo ng kapatid ko sinagot nya parin ang tawag.
"Hello ate?........ Kasama namin sya........ Pupunta lang naman kaming palengke......... Don't worry aboute her ate Andy......." lumingon sakin si Patience at kumunot noo,tinakpan nya yung mouthpiece at bumulong. "Kausapin ka raw nya,parang highblood" umikot ang mata ko saka inabot ang cellphone,hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon.
"Bakit ba?" bungad ko.
"Gabrielle why didn't you told me you're going out?" napaka bossy ng tono nya ng sabihin iyon. Kahit na imposible bigla kong naisip na durugin yung cellphone sa inis.
"Andrea who said that I have to report to you 24/7?" balik ko,narinig ko yung pag buga nya ng hangin.
"Stop being sarcastic, I just want to keep you safe. Next time tell me first everything you're planning to do."kumunot noo ako,dahil ano bang big deal sa paglabas namin? Okay lang naman ako.
"Bakit ba ang OA mo? Pupunta lang naman sa palengke" Narinig ko yung growl mula sa kabilang linya,napa ngiwi ako mukhang di maayos ang gising nya.
"The doctor suggest you on bed rest Gabrielle,you exactly knew why I'm acting like this. I'll kill you if you don't keep safe bye" bigla nalang nyang binaba ang tawag.
Aba ang kapal talaga ng pag mu-mukha. Gusto ko biglang bumalik sa bahay at-
Hinga ng malalim Gabby......Hinga lang....
"Ruuuuuuuude" bulong ni Patience na ikinatawa ni Arthur.
"Bakit mo pa kasi sinagot eh" sisi ko naman sa kanya.
"Ate diko maintindihan kung bakit kahit na puro away lang kayo ni ate Andy kinikilig parin ako" gusto kong kilabutan ng parang teenage na school girl ang naging itsura ni Art ng sabihin iyon.
"Ewan baka pareho na kayong may topak ni Patty" ngumisi lang naman silang dalawa. At ininis lang nila ako hanggang sa makarating kami sa palengke.
Nalibang na ako sa pamimili ng mga gamit na sa tingin ko kakailanganin ko bago ang labor, kahit ilang buwan parin ang hihintayin maganda naring bumili ng gamit ng baby , although hindi pako nakakapagpa ultrasound at sure kung anong magiging gender nya. Kaya lahat ng gamit nya pwede sa babae at lalaki. Gusto ko rin sanang ma surpresa sa magiging gender nya kaya pinipigilan ko talagang alamin.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
عاطفيةNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...