Chapter Five
Dahil sa lunes ngayon at ayaw parin akong pansinin ni mama natulog nalang ako buong mag hapon. Hindi ako lumabas ng kwarto para kumain dahil parang wala din naman akong gana. Sa totoo lang na de depressed na ako sa silent treatment ng nanay ko na kung pag iisipan pa wala ng basehan. Nag explain naman na ako at lahat lahat, nakaka tampo lang na ganyan sya sakin na dapat sya ang pinaka supportive sa lahat.
May kumatok sa pinto ko ng mga bandang alas onse ng tanghali habang ako naka titig lang sa kisame. Wala na akong ideya kung ano pa ang magandang gawin ngayon sa buhay ko, ang baby ko nalang ang meron ako ultimo nanay ko kinamumuhian ako eh. Naluha ako ng maisip iyon.
"Ate? Kain kana daw masama sa baby yan"napa lingon ako kay Patience na may dalang tray ng pagkain.
"Tinatamad ako eh, nasan na si mama?" inayos nya sa bedside table ang patong ng mga dala nya.
"Nasa labas nag tatanim ng halaman nya. Kanina pag uwi nag luto sya ng bulalo kasi maganda daw ang sabaw sa buntis. Gusto mo bang subuan kita?" wala sa sariling natawa ako sa sinabi nya.
"Galit parin ba?" humigop ako ng sabaw, napa pikit pa ako sa sarap. Wala talagang tatalo sa bulalo ng mama ko.
"Medyo, di parin kami pina pansin tapos kaninang umaga nakita kong wala nanaman si papa sa sabitan nya" tukoy nya sa litrato ng yumao naming ama.
"Patty para ba sa pananaw mo masama na akong babae?" tanong ko ng mag simula nakong kumain.
"Never na pumasok sa isip ko yon te. Alam mo bang idol kita? Nung sinabi mo nga kagabi na buntis ka bigla kong naisip na pag natapos na ko sa pag aaral gagayahin kita. Mag aanak ako ng walang asawa" nadalok ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot.
"Patty bata kapa wag mo na munang iniisip ang mga ganyang bagay" inabutan nya ako ng tubig.
"Ate ayoko rin kasi na mag dagdag pa ng lalaki sa buhay ko. Si Kuya Steph at kuya Art palang masakit na sa ulo eh" doon natawa na ako.
"Wag kang magsasalita ng tapos" payo ko sa kanya, minsan lahat ng pinangungunahan mong sabihin kinakain mo lang sa dulo.
"Opo pero ngayon aral lang muna talaga ako" hinaplos ko ang buhok nya.
Dinaldal nya lang naman ako habang kumakain ako nilikot nya rin ang cellphone ko saka kumuha ng mga litrato. Napaka typical nyang dalaga mahilig mag photo shoot, pati ako dinamay nya pa sa ginagawa nya. Napapailing lang naman ako, isa rin ito sa mga na miss ko, ang makipag kulitan sa bunso namin.
"Woah!" natigil sya sandali.
"Ate sinong artista to? Grabe may kaibigan kabang Hollywood star?" dinukdok nya pa sa mukha ko yung litrato ni Andrea.
Iyon yung natitira nyang picture sa cellphone ko na di ko magawang burahin. Kuha iyon nung unang araw naming lumipat sa bahay na binili nya, sinabi nya pang doon kami bubuo ng pamilya. Binili nya kasi iyon pagkatapos ng kasal namin.
Naka yakap sya sa beywang ko, ganun din naman ako. Na aalala ko pa kung gaano kalamig ng araw na iyon dahil patuloy ang pag ulan ng snow. Napilit nya lang talaga akong lumabas noon, gusto nya kasing mag karoon daw kami ng litrato para maipakita sa mga magiging anak namin. May pait nanamang bumalot sa dila ko.
"Hindi artista yan" tinitigan nyang mabuti ang litrato.
"Kaibigan mo? Bakit di mo na kwento? Parang sobrang close nyo oh, grabe maka yakap sayo" Sumama ang pakiramdam ko bigla.
"Wala lang yan" kukunin ko na sana ang cellphone ko ng tumayo sya.
"Kapag nakita nila kuya ito siguradong tutulo ang laway nila. Parang totoong dyosa na ito eh" nalukot ang mukha ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...