Epilogue 2

1.4K 62 18
                                    

I think we deserved a soft epilogue, my love. We are good people and we've suffered enough.
- Nikka Ursula

---











"Makakasama ka ba bukas? Kaya ko naman kahit na mag isa lang" Turan ko pagka upo sa tabi ng asawa ko saka ko kinuha yung moisturizer sa bedside table.

Inayos ko yung mga gagamitin ni Allison bukas at ng matapos nag ready na ako sa pag tulog. Kanina parin namin pinag uusapan ni Andrea kung sino ang mag hahatid at susundo kay Ally, pwede ko namang utusan from time to time si Art pati na si Patience kapag di busy sa trabaho.

Madalas din kasi ako ngayon sa grocery ni mama at diko na pwedeng asahan si Stephen kasi busy sya sa kapapanganak na si Aaliyah, ilang buwan narin kasi mula ng bumukod sila. Di rin naman malayo at sa iisang subdivision lang kami pero sobrang hectic lang talaga ng sched nya.

"I'll try but I can't promise anything, merong major investor na darating bukas" Matapos kong mag pahid ng moisturizer yumakap sya sakin.

"Gagabihin ka ba?" Sa halip na sumagot naramdaman ko lang ang pag singhot nya sa balat ko. "Makaka tulog kana nyan" Minasahe ko ang anit nya.

"After this project we need a vacation. What do you think?" Diko alam kung ano ang sasabihin kasi kapag nag pla ppano kami ng ganito nagiging disaster lang.

Lalo na nung last time, na stranded kami sa airport ng ma cancel ang mga flights sa pupuntahan namin dahil sa biglaang bagyo na pumasok sa bansa. Akala ko nga nadalâ na sya.

"Are you sure? Baka maulit yung nangyari last time" Pumasok sa loob ng damit ko yung mainit na kamay nya saka na abot ang dibdib ko.

Si Ally at Nel ang na aalala ko kapag ginagawa nya iyon, kasi wala namang something sexual sa hawak nya. Parang comfortable lang talaga syang gawin iyon.

"I think we need to plan something big for Art to forget that he doesn't have a jowa." Natawa ako, isa kasi iyon sa pino problema nya this days kasi sa kanya palagi tumatakbo ang kapatid ko at palaging nanghihingi ng advice.

"Babe alam mong napaka taas ng standard non, fictional character lang din ang nakaka meet ng standard nya. Kaya paano talaga sya magkaka jowa?" Hinalikan nya ang leeg ko.

"Last time he's bugging me to teach him a pick up line. I mean do I look like I have one?" Malakas akong natawa.

"All you have was "Hey, coffee?" Tas nung humindi ako kulang nalang itulak moko papasok sa kotse mo" Namula ang dulo ng tenga nya saka humigpit ang yakap nya sakin na para bang hiyang hiya.

"I'll never do that, mahiyain lang talaga ako" Hinaplos ko ang likuran nya.

"Alam ko naman pero wag mo paring ituturo kay Art ang technique na iyon kasi sayo lang gagana yon" Hindi naman sa mukhang hoodlum ang kapatid ko kaya lang malaki syang tao resulta narin ng araw araw na pag gi-gym nya kaya medyo intimidating sa iba ang muscles nya.

Pero sa totoo lang marami rin namang nagkaka crush kay Art, sadyang di nga lang makikita sa totoong mundo yung tipo nya. Yung kadalasan lang kasi na mababasa sa libro ang syang pumapasa sa kanya.

"What will I do then?" Tanong nya. Nitong ilang taong lumipas mas naging comfortable sa kanya ang mga kapatid ko at kapag merong problema or meron silang ini isip si Andrea ang pinaka unang nakaka alam.

Sa kadahilanan sigurong di sya kaagad nag ja-jump to conclusion at sa halip na mag hysterical sa simpleng bagay na madalas naming maging reaction ni mama. Nagiging mahinahon sya at ginagawan ng solusyon ang problema.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon