Chapter Six
Nagising ako na maayos naman ang pakiramdam, naisipan ko pa ngang mag luto ng almusal para maka bawi kay mama. Hindi na kasi natapos yung sama ng loob nya sakin, ayaw nya narin akong kausapin. Yung literal na silent treatment, doon ko lang na realize na talagang na abot ko na yung boiling point nya.
Pag upo ko nakaramdam ako ng lagkit sa hita ko dahil sa madilim hindi ko alam kung ano iyon kaya kaagad kong binuksan ang lampshade at inatake ako ng takot na ngayon ko lang naramdaman ng makitang basa na sa dugo ang sapin ko. Napatili ako dahil biglang pumasok sa utak ko na baka mawala sakin ang baby ko.
Pabalyang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, nag aalalang pumasok si Stephen ng makita nya ako at yung dugo sa kama ko bigla syang namutla. Napa hagulgol ako sa takot, napakarami ng pumapasok sa utak ko na pwedeng kahinatnan nito.
At di ako magbibiro pag sinabi kong ikamamatay ko kapag nawala sakin ang baby ko. Wala ng mahalaga sakin kundi sya nalang.
"Ate anong nangyari?" hindi ako naka sagot, nagising din ang buong kabahayan sa ingay ko at naka salubong pa namin silang lahat habang buhat buhat ako ni Stephen pababa ng hagdan.
"Art yung kotse bilis!" patakbong bumaba si Arthur, napa lingon ako kay mama na hysterical na naka sunod samin. Lahat sila dina makapag salita sa gulat.
"Ma mag ready kayo ng gagamitin ni ate sa hospital, sumunod nalang kayo si Art ang mag mamaneho sa inyo" si Stephen lang sa lahat ang may presence of mind na mag desisyon.
Buong minuto na nasa byahe hinahaplos ko ang tiyan ko, patuloy din ako sa pag hagulgol dahil hindi ko kakayanin kung pati baby ko mawawala sakin. Halos sya nalang ang nagpapalakas sa loob ko, sa araw araw sya nalang ang reason kung bakit may gana pa akong gumising.
Pagdating sa hospital hindi ko na alam ang nagaganap lalo na nung turukan nila ako ng pampakalma. Bigla narin akong nawalan ng malay sa sobrang stress at takot. Habang naka pikit nararamdaman ko sila na nakapaligid sakin pero diko maidilat ang mata naririnig ko yung usapan ng doctor at nurses pero hindi pumapasok sa utak ko dahil pakiramdam ko lumulutang ako sa kawalan. Wala akong sakit na nararamdaman takot lang ang pumupuno sa dibdib ko.
-
Maraming buwan narin ang lumipas at maayos parin naman ang relasyon namin ni Andrea,sa totoo lang di ko lubos maisip na tatagal ang relasyon namin ng mahigit isang taon dahil hanggang ngayon nakaka gulat parin tuwing sasabihin nya sakin yung 3 letter word na nagpapabilis ng pag hinga ko.Masaya kami sa mga araw at buwang lumipas mangilan ngilan lang ang mga nagiging pagtatalo namin na kaagad namang nasosolusyunan kapag nag usap na kami ng maayos. Matured naman kasi sya at napakatalino nya pa. Ilang linggo lang din ng tuluyan na kaming mag sama sa iisang bahay.
Ngayong araw niyaya nya akong mag punta sa bahay nila at mag di dinner daw kami kasama ang pamilya nya. Isa pa sa ikinagulat ko ay yung buong pusong pagtanggap sakin ng pamilya nya. Lolo lang nila ang nagpalaki sa kanila ng kapatid nyang si Courtney dahil maagang yumao ang mga magulang nya kaya ang Lolo at kapatid nya nalang yung pamilyang maituturing nya.
"Baby come on we need to go" bulong nya sa tenga ko,nasa harap ako ng salamin at abala sa pag aayos ng make up ko. Ng maramdaman ko yung dalawang kamay nya na yumakap sa balakang ko.
Ngumisi sya sa repleksyon namin sa salamin, inilapit nya rin ang labi nya sa leeg ko saka mahinang kinagat ang leeg ko. Mahina akong napa ungol sa pinong sakit at sa kilabot na gumapang sa katawan ko. Napa pikit ako sa ginawa nya saka ko naramdaman yung labi nyang banayad na hinahalikan yung parteng kanina lang kinagat nya.
"Baby stop,we don't have time for this" nanghihinang bulong ko sa kanya, dahil sa hindi pumapalyang lakas ng dating nya sakin segundo lang o kaya'y titigan nya lang ako handa na akong ibigay sa kanya ang lahat lahat.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...