You fool me twice, shame on me

1K 56 8
                                    

Chapter Twenty










"Is it bird? A plane? Oh wait is it Superman?!" Malakas na umungol ang asawa ko sa frustration sa kapatid nya na sa palagay ko may urge na syang sakalin.

"Tapos na yung time" Singit ni Patience, inalis ni Courney ang cap na naka suot sa kanya at tinignan ang naka dikit na papel dito.

"Antenna? Goodness! Why did you said yes when I ask you if Gabby have this?" Inis na tanong nito sa kapatid.

"Because her phone have antennas, moron! Well what can I expect when you don't have a brain in the first place" Naka ngiwi na ang mga audience,meaning family member ko plus Angela. Nakamot ko ang batok.

"Guys kalma lang. Mali talaga na kayo ang magka kampi eh" Tumayo ako sa pagkaka upo sa mahabang sofa at hinatak ang kamay ni Andrea. Masama parin ang tingin nya sa kapatid.

Hirap talaga ng pikon...

"Pano super wrong lahat ng sinasabi nya. Tapos you have the audacity to call me moron?" Pina upo ko sa sofa si Andrea at inabot ang soft drink nya kanina.

"Chill lang" Bulong ko habang hinahaplos ang likod nya.

"I hate to lose Gabby you know that. Courtney is so stupid"Gigil na balik nya,mas nalukot ang ilong ni Courtney ng madinig ang kapatid nya pag upo sa tabi namin.

"Stupid? Look who's talking!" bumuntong hininga ako dahil diko na alam kung paano pa sila pahihintuin sa pagtatalo. Nasalubong ng mata ko si Angela na umiiling habang hinihilot ko ang sentido.

"You all right Gabby? Something stressing you out?" Kumunot ang noo ng asawa ko at kaagad na nabalot ng pag aalala ang mukha nya sa naging tanong ni Angela.

"Wala lang" Simpleng balik ko. Kahit na may pagka maldita sya at least daig nya pa ang may fifth sense.

"What's wrong baby?" May pag aalalang tanong ng asawa ko, nawala yung inis nya kay Courtney at natahimik ang paligid namin.

Naka ngisi si Angela na parang proud pa sa sarili, mahina lang naman akong natawa habang pina pakalma ang asawa ko. Nag patuloy ang laro, ang malakas na halakhakan ng lahat.

Sa bagay na ito palang napakasaya na ng pakiramdam ko pero diko mapigilang mag alala dahil ganitong ganito ang pakiramdam ko noon ng mag pakasal kami ni Andrea.

Like unicorns and rainbows na, na parang wala ng pwedeng maging dahilan ng kalungkutan. Masaya kami, magkakaroon ng anak at napaka liwanag ng hinaharap namin,kaya ng dumating si Spencer hindi ako naka handa.

Kahit na ilang taon narin ang relasyon namin ni Andrea pinangunahan ako ng selos. Hindi ko ginamit ang utak ko at puso ko ang hinayaan kong gumawa ng desisyong di tama sapagkat kahit na saan ako pumunta at anong isipin ko ang gusto ko nalang noon ay iwanan sya.

May parte ko na sinasabing tama ang desisyon ko noong iwan sya, dahil kahit na ano namang paliwanag hindi na tinatanggap ng utak ko. Ang tanging alam ko lang ay masakit. Lahat masakit.

Siguro kailangan kolang din ng panahon para mas makapag isip ng maayos at malaki ang pasasalamat kong sinundan nya ako dito. Hindi sya sumuko sa relasyong binuo namin, sa pamilyang meron kami.

"Hey baby, you wanna sleep na?" Inalalayan ako ni Andrea. Pag lingon ko sa iba, lahat sila pa akyat narin sa kanya kanyang kwarto.

"Nasan na si Courtney?" Maya't maya akong may pag aalala sa kapatid nya dahil sa ayoko itong ma out of place.

"She's talking to your friend" Pag turo nya, nakita ko malapit sa dalampasigan ang dalawang pigura.

"They're getting close huh?" Nagusot ang mukha nya.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon