Her soft gray eyes

1.1K 65 8
                                    

Chapter Nine




Habang naka pikit katawan nya lang ang nararamdaman ko at bumalik ang utak ko sa mga panahon maayos pa ang pagsasama namin yung panahong mahal na mahal ko sya at ganun din ang nararamdaman nya sakin.

Sumiksik ako sa parteng leeg nya at nilanghap yung amoy nya, yung pamilyar na lambot ng katawan nya yung kalmadong tibok ng puso nya sa tenga ko. Napa ngiti ako dahil nitong ilang linggo parang nasa disyerto ako, uhaw na uhaw sa lahat ng familiar na pakiramdam nya. Ngayon parang natagpuan ko na sa wakas yung oasis sa gitna ng init.

-

Na alimpungatan ako ng marinig yung mga kaluskos habang naka higa ako sa malamig na kama. Pinilit kong buksan ang isang mata ko para malaman kung bakit maaga na yatang naka uwi ang asawa ko. Nakita ko syang abala sa paghahanap ng damit na pamalit.

"Baby? Anong oras na" namamaos na bulong ko saka pinilit na umupo,ngumiti sya sakin kahit na madilim sa kwarto nakita ko iyon.

"Baby we can talk about this later,you can sleep some more" tuluyan akong pumikit ng halikan nya ang labi ko. 

Nakatulugan ko na iyon ng maramdaman maya maya yung pagyakap nya sa katawan ko. Ngumiti ako ng marinig yung payapang tibok ng puso nya na nagpaparamdam sakin ng security. Pag gising ko kinabukasan hindi ko pinalagpas na tanungin sya kung bakit madaling araw na sya naka uwi.

At hindi ko nagustuhan ang naging sagot nya, sinamahan nya raw kasi sila Courtney sa birthday ng kaibigan nitong si Spencer. Ilang beses ko ng nakilala yung Spencer na tinutukoy nya dahil yung babaeng iyon ay nagta trabaho sa kompanya nila.

Naging pagtatalo nanaman ang pag uusap naming iyon sa inis ko, walang makakasisi sakin dahil alam naming lahat na head over heels ang babaeng iyon sa asawa ko at hindi ako kakalma kung malalaman kong kaya inumaga sa daan ang asawa ko ay dahil sa babaeng iyon.

"Gabrielle you're being immature" may exhaustion sa boses nya, ginamit nya rin yung tono na nagpaparamdam sakin ng iritasyon.

"Don't use that tone on me Andrea" balik ko na may kasamang labis na inis. Binato ko sya ng unan na ikina pula ng mukha nya.

"Oh my God! We talked about this already and Spencer doesn't have a thing on me. Stop being paranoid!" Napa hilamos pa sya sa mukha nya saka naupo sa paanan ng kama, nanatili lang naman ako sa pwesto ko habang pinag aaralan sya.

"Lokohin mo lelang mong panot" sabi ko na ikinasama nya ng tingin sakin.

"Don't start speaking in tongues right now. You'll pissed me off" nakagat ko ng madiin ang loob ng pisngi sa gigil sa kanya.

"Wala akong pakialam kung naiinis ka sa bagay na iyon" sinamaan nya ako ng tingin, parang tuluyan ng nawalan ng pasensya sa sinabi ko.

"Gabrielle are we really fighting over this?" talagang nagtanong pa diba halata? Nakaka hawa ba ang katangahan ko?

Ilang minuto akong di nag salita at ng sinubukan nya yakapin ako hinampas ko ng malakas ang kamay nya. Kumintab sa luha ang mga mata nya,kaagad akong na guilty, obviously.

Mahina syang humikbi sa tabi at daig ko pa ang sinasaksak ng pa-ulit ulit habang naririnig yon. Nag init din kaagad ang mga mata ko.

"Okay let me show you a picture" nag buga lang sya ng hangin at di sumagot,kasabay non yung pag singhot nya.

"The other day Doc Mart ask me to get a coffee and you got really upset for no apparent reason." Blangko ang binigay nyang expression. Ako naman ang napa buga ng hangin.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon