Chapter Seven
Malaki ang pasasalamat ko ng di nag pumilit si Andrea na tumira sa bahay namin, mukhang wala din syang pakialam kahit na hanggang ngayon di parin alam ni mama na sya yung asawa kong iniwan sa ibang bansa. Ang ginawa nya lang ay ang mag dala ng mga pagkain sa bahay dahil gusto nya raw na maging healthy ang anak nya. Kapal talaga ng mukha eh.
Sa totoo lang kinakain rin naman ako ng guilt kahit pa malaki ang kasalanan sakin ng babaeng iyon. Kahit na kailan kasi hindi ko sya naipakilala sa pamilya ko. Alam kong tuwing tatawag si mama noon gusto nyang ipakilala ko sya kaya lang natatakot ako sa sasabihin ni mama kaya buong buhay nakong natakot.
Tahimik akong kumain ng mansanas habang nanonood dito sa salas ng movie na pinaka hit daw ngayon. Mukhang totoo nga dahil kilig na kilig ang nanay ko at si Patience pati na si Aaliyah. Ako lang yata samin ang pinaka bored sa pina panood namin.
Napa hikab ako at napa tayo ng may mag doorbell mukhang wala sa plano nila ang kumilos sa pwesto nila. Pag bukas ng pintuan ang naka ngiting mukha ni Jonathan ang sumalubong sakin, ngumiti rin naman ako.
"Nat umaano ka rito?" bumaba sa basket ng prutas na dala nya ang mga mata ko.
"Nalaman kong buntis ka, pasalubong ko sayo" parang mas nagulat pako na nalaman nyang buntis ako.
"Sinong nag sabi sayo?" nag iwas sya sandali ng tingin, tuluyan naman akong lumabas, umupo kami sa sofa set na nasa labas ng bahay.
"Nung isang araw na kwento ni mama. Gabby aaminin kong nung nalaman ko ang lahat nasaktan ako. Pero mahal kita at tatanggapin ko lahat lahat bumalik kalang sakin" lumingon ako sa pool namin na matatanaw mula sa pwesto ko. Ayoko kasi na tingnan sya.
Talk about confidence... Mukhang na makyaw sya noon at di namigay.
"Jonathan hindi mo nako gugustuhin ngayon napakalaki na ng pinagbago ko"hinawakan nya ang kamay ko.
"Gabby kahit na ano pa ang nagawa mo o nangyari nung nasa ibang bansa ka matatanggap ko. Please lang bigyan mo naman ako ng pagkakataon na ligawan ka ulit" nabigla ako sa sinabi nya na handa pa talaga syang manligaw sakin.
"Hindi ko alam Jonathan, ayokong umasa ka" Tinignan ko sya at halos maramdaman ko yung lungkot na bakas sa mga mata nya.
"Please pag isipan mo muna bago mo ko sagutin" kulang nalang mag makaawa sya, kung sasabihin kong lumuhod sya malamang na gawin nya rin.
"Okay" tanging na isagot ko.
"Okay? Okay, hindi ka magsisisi" Lumawak ang pagkaka ngiti nya, kaya natawa ako sa itsura nya. "Maraming salamat Gabby, promise hindi mo pagsisisihan yan"
"Alam ko, sige na mukhang may iba kapang gagawin" naka polo kasi sya, ramdam kong talagang dinaan nya lang ang prutas na dala nya.
"Oo a-attend ako ng kasal eh. Kapag maagang natapos okay lang ba na puntahan kita mamaya?" nag isip ako sandali, ayoko sana kung maaari na mag pang abot sila ni Andrea. Alam kong napaka selosa ng babaeng iyon kahit pa wala naman na syang karapatan. Pero base rin sa batas nila kasal parin ako sa kanya.
"Bukas nalang siguro maaga akong natutulog eh" bumagsak ang balikat nya sa sinabi ko pero ilang segundo lang naka ngiti nanaman sya.
"Okay dapat maging healthy ka, Alis nako" hinatid ko sya sa labas ng gate, yumakap pa sya sakin bago sumakay ng sasakyan nya pero bago pa yon nag stop sa harap namin ang sasakyan ng maldita.
Ito na ang sinasabi kong ayaw kong mangyari...
Hindi na nag tanong si Jonathan umalis sya ng naka ngiti parin sakin. Doon lang bumaba si Andrea ng kotse nya, blangko lang ang expression ng mukha nya saka nya ako hinila papasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...