This chapter is for you,Cheng>.<
-----
Chapter Twenty-three
Pinanood ko ang mga batang naglalaro sa di kalayuan. Napa ngiti ako habang pinagmamasdan ang mga batang nasa edad limang taon na mag habulan sa damuhan.
Sandali kong naisip na puno sila ng kalayaan,yung kalayaan at kapayapaan na gusto kong maramdaman ngayon.
"Ang sarap sigurong maging bata ulit" Thinking out loud na sabi ko.
"Yung walang problema at responsibility no te" Singit ni Patience na katabi kong naka upo sa bench na malapit sa seesaw.
"Madalas kolang marinig yon pero ngayon nakaka relate nako sa mga humihiling non" Sagot ko sa kanya.
"Ako din,sa dami ng exam kasama pa yung thesis ko na due ko ng ipasa sa isang araw. Mas gusto ko nalang maging bata ulit" Tinignan ko sya, umihip ang hangin at nadala ang buhok nya na inipit ko naman sa tenga nya.
"Kaya lang ang kulit mo nung bata kapa eh. Numero unong sakit ka ng ulo ni mama" Natatawang balik ko, ngumuso naman sya.
"Mabait naman ako ah,laging sinasabi sakin yon nila tita. Lalo na nung bata ang tahimik ko raw palagi" Napa iling ako.
"Nasasabi lang nila yon kasi nga di naman sila ang madalas mong kasama. Nakaka stress ka kayang bantayan non" Humaba lalo ang nguso nya.
"Pero ako parin naman ang favorite mo,diba?" Pinisil ko ang pisngi nya at tumango.
"Syempre naman, forever baby ka sa mata ko" Napalitan ng malaking ngisi ang labi nya saka sya yumakap sakin.
Dahil sa nakaka baliw ang katahimikan sa bahay naisipan ni Patience na tumambay muna kami sa malapit na parke dito lang sa subdivision.
Bumalik ako sa pag tanaw ng matahimik kami ni Patience,na bigla lang ako ng malakas syang suminghap na ikina ubo nya pa. Kaagad kong hinaplos ang likuran nya sa pag aalala.
"Bakit ba?" Di parin sya makapag salita,sa halip may itinuro sya.
Napa lingon ako sa babaeng katabi lang namin, meztisa ang babae at kahit pa natatakpan ng malaking sun glasses ang halos buong mukha nya,nakaka sigurado akong maganda sya.
Naka kunot noo kong binalik ang mata kay Patience na parang nabaliw na at di ma alis ang tingin sa babaeng buntis rin pala. Medyo na distract ako sa tangos ng ilong nito kaya ngayon kolang din nakita.
"Bakit nga?" Takang tanong ko na.
"Si Natasha Moretti yan ate! Yung idol ko!" Kumunot noo ako saka bumalik sa utak ko yung sandamakmak na posters sa kwarto nya.
Napa takip ako sa bibig ng ma realize na sikat na model itong katabi namin ngayon. Kaya pala may mga taong nagagawi ang tingin sa direksyon namin,akala ko nag titinginan sila sa isang buong pakwan na nalulon ko.
"Sa tingin mo ba dapat akong magpa autograph?" May pagka giddy ang boses ni Patience ng itanong nya sakin yon.
"Tignan mo ngang mukhang relax na relax sya eh" Nagbabasa ng libro si Natasha habang paminsan minsan ang pag haplos sa malaking tiyan nito.
Sandali akong namangha sa itsura nya dahil halos mag kasing laki lang kami ng tiyan pero sa palagay ko pwede paring rumampa sa entablado itong idol ni Patience sa sobrang blooming nya.
"Ate ano lapitan kona ba?" Bago pa ako maka sagot naka tayo na sya. Nanlaki ang mata ko saka tumingin sa ibang direksyon.
Ilang beses nya ng na kwento sakin na gusto nyang makita ng personal itong si Natasha kaya lang mahirap daw maka sali sa mga meet and greet nito dahil sa iilan lang palagi ang nabibigyan ng pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
Любовные романыNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...