Chapter Eight
Ilang araw narin ng maka uwi ako,well nung araw din naman na iyon pina uwi na ako dahil bed rest lang naman ang kailangan ko at di na kailangan na sa hospital ko gawin iyon. Lahat sila nag aalala at ayaw na nila akong patayuin sa higaan ko para mabantayan sa nangyari si mama kahit pa na may sama parin ng loob sakin di nya naitago yung pag aalala sakin.
Madalas pagka gising ko palang naka ready na ang pagkain at gamot ko, literal na di nila ako pinatayo kung pwedeng sa kama rin ako maligo malamang naligo na ako sa kama. Kaya lang hindi rin naman maganda na palagi lang akong naka higa dahil minamanas naman ako.
Kaya tuwing umaga kapag walang pasok kasama ko si Pateince na mag lakad lakad sa buong village. Puro kwentuhan lang ang ginagawa namin na mas ikina tuwa ko. Katulad nalang ngayon papauwi na kami ng makakita si Patience ng nagtitinda ng taho,nung unang tawag nya hindi sya narinig kaya hinabol nya yung mamâ.
Napa hagalpak ako kakatawa sa naging itsura ng kapatid ko,pag balik sakin meron syang dala na dalawang cup ng taho at tumatagaktak na yung pawis sa noo nya. Tinaggap ko naman yung inaabot nya dahil napaka tagal na yata mula ng maka tikim ako nito.
"Na stress ako sa pag habol kay manong" hinihingal paring bulong ng kapatid ko sakin kahit pa wala namang tao sa paligid.
"Sino ba kasing nag sabi na habulin mo sya?" balik ko habang nag pipigil ng matawa pa.
"Nakaka miss kasi ang taho eh te" sagot nya,ng malapit na kami sa bahay kumunot noo ako ng makita ang kotse ni Andrea sa harapan ng gate. "Aga ng manliligaw mo ah" inikutan ko ng mata si Patience sa sinabi nya.
Pag pasok yung boses kaagad ni mama ang sumalubong samin. Narinig pa namin kung gaano sya kasigla at katuwa habang nag kwe kwento,tumaas ang kilay ko ng mabungarang magkasama sila ni Andrea sa kusina. Ngising ngisi pa ang maldita habang nakikinig.
"Oh hey Gabby morning baby" nanlaki ang mata ko ng lumapit sya sakin at humalik. What the fuck?!
"What did you just said?" naguguluhan kong tanong sa kanya,habang si mama naka ngiti at pailing iling pa.
"Gabrielle umamin na sakin si Andrea na sya yung asawang tinatago mo dahil nga baka husgahan ko kayo. Anak ganoon ba kakitid ang tingin mo sakin?"may narinig pakong sakit sa pagkakasabi ni mama noon.
"Ma wala kayong naiintindihan. Diko sinabi kasi maraming nangyari samin at maghihiwalay na kami"sinamaan ko ng tingin si Andrea na may malaking ngiti.
"Naku batang ito,nakwento na ni Andrea yung maliit na pagtatalo nyo. Anak kinasal kayo kaya dapat na hindi ka padalus dalos sa mga desisyon. Dahil mag asawa na kayo marapat lang na mas lawakan nyo ang pang-unawa" nag tagis ang bagang ko ng tumango tango ang so-called asawa ko raw.
"Yeah may tama ka mama" humagikgik sya matapos sabihin iyon. Gusto ko syang batuhin ng tahong hawak ko kundi lang ako nanghihinayang.
"Ma di nyo ba ko itatakwil? Babae yan eh at pinakasalan ko sya,magkaka anak pa kami dahil sa siensya" ngumiti ang mama ko na mas lalong hindi ko ikinatuwa. Parang mali na ngayon pa sya good mood.
"Anak kung mahal mo si Andrea wala akong karapatan para husgahan ka sa bagay na iyan. Tatanggapin ko kayong dalawa ng asawa mo saka mabait naman itong asawa mo napakaganda pa. Gaganda ang lahi natin" napa ungol ako sa inis at gigil kaya nag hila ako ng bangko.
Kaagad na gumuhit ang pag aalala sa mukha ng malditang gusto ko ng sakalin at itapon pabalik sa pinagmulan nya. Ang lakas din ng loob nyang mag tapat kay mama lalo pa sa panahon ito na masamang masama ang loob sakin ng mama ko. Kundi naging ayos ang lahat malamang na sa pansitan ako pulutin.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
RomanceNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...