Maturity is a Choice

937 52 2
                                    

My apologies na ngayon lang ako nakapag update pero I'm determined na matapos na ito as soon as possible- Mikay❤️

---

Chapter Twenty-five







"Naku napaka cute ng aking apo" Hinayaan kong ihele ni mama si Ally habang itinutupi ko lahat ng damit nitong katatapos isilong.

Sa ilang araw matapos akong maka labas ng hospital, ang palaging gumigising sakin ay ang bawat isa sa kanilang excited na makita ang bagong silang na si Allison. Masaya ako sa support at sa lahat ng ipina pakita nila pero diko mapigilang malungkot.

Akala ko noong malaman nila Andrea na nanganak nako kaagad syang pupunta dito samin para makita ang anak nya, kahit na dina para sakin, pinipilit ko narin namang mag move on.

Pero mali ako, mag i isang buwan na si Allison at wala parin sya, si Courtney sa video chat lang may pagkakataong tignan ang pamangkin dahil sa napaka abala raw ngayon sa opisina nila.

Para sa anak ko, natural lang siguro na masaktan ako. Wala na bang halaga para kay Andrea ang lahat? Ganoon ba kadaling kalimutan ang lahat? Sa araw araw na naiiwan kaming dalawa ng anak ko, parang mas lalong napupuno ng negatibo ang utak ko.

Baka ngayon na malaya na sya wala na syang pakialam samin dahil siguro madali para sa kanyang kalimutan ang lahat. Magsisimula sya ng bago, kung sino man ang makilala nya.

Tuwing naiisip ang mga bagay na ito, nakakaramdam ako ng galit kung gaano sya kadaling sumuko sa pamilya namin. Kung talagang totoong mahal nya ako, mahal nya kami magagawa nya bang ipagsawalang bahala ang panganganak ko?

Nasasawa nakong ipag tagol sya sa sarili at nasasawa na akong mag hintay na bumalik sya. Sa dulo bumabalik parin ako sa comfort zone ko kung saan madaling kamuhian ang lahat kaysa ibalik ang sisi sa sarili ko.

Dahil kahit naman anong gawin ko pagiging ipokrita ang isisi sa kanya ang lahat. Pero gaya ng nabasa ko noon sa isang libro, yung sakit ang sadyang nagsasalita para sakin.

"Mas magandang hanggang maaga eh mapa binyagan na itong si Ally" Maya maya pa ay turan ni mama.

"Okay lang ba kung hintayin na muna nating maka kita sya? Saka ma medyo masakit pa ang tahi ko wala pa akong lakas na mag daos ng handaan" Tugon ko naman.

"Gabby hindi naman ikaw ang mag aayos, nandyan ang mga kapatid mo" Natigilan ako saka napa buntong hininga.

"Ma hayaan nalang muna nating mag two months si Ally. Para kahit paano komportable nakong gumalaw" Balik ko.

"Oh sya, ikaw ang bahala. Gagawin natin yon kapag handa kana" Napa ngiti ako kahit na may lungkot sa puso ko.

May parte ko -kahit pa karagdagang katangahan lang- ang hinihintay parin sya. Gusto kong buo ang pamilya namin kapag napa binyagan si Ally dahil deserve ng anak ko ang lahat lahat ng the best.

""

"Madalas din namin syang mapag usapan ni Courtney. Kaya lang iniiwasan naming pag usapan yung relasyon nyo ni Andrea" Pumikit ako at ninamnam ang katahimikan ng paligid.

"Yeah naiintindihan ko naman. Lalo pa't bago palang din ang relationship nyo" Napa ungol ako ng mas dumiin ang pressure ng masseuse na in charge sakin.

"To tell you the truth nagiging pagtatalo yung conversation namin kapag inaaway ko na sya sa naging ugali ng kapatid nya" Gumagaan na ang ulo ko sa antok na bumabalot sa utak ko. Minsan ko nalang maranasan yung ganitong kapayapaan lalo pa't 24/7 kong bina bantayan si Ally.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon