How many chances can you give?

908 57 7
                                    

Chapter Twenty-one

















Gabi na ng lumabas ako, walang sinabi ang pamilya ko at diko alam kung may idea sila sa mga nangyari pero di naman bobo ang mga kasama ko kaya sigurado akong nararamdaman nila yung tensyon sa hangin.

Matapos ang dinner si Courtney lang ang may mukha para humarap sa pamilya ko si Andrea hindi na lumabas sa kwarto ni Courtney. Pinalipat ko na sya dahil diko alam kung ano pa ang magagawa ko kung mananatili ko syang nakikita.

Lumabas ako at tumambay na muna habang pinagmamasdan ang buwan. Hindi ako nagkaroon ng urge na umiyak till now ang gusto kolang ay ang maka ganti na alam kong mali.

Gusto kong saktan sya hindi physically,basta ang tanging isiping pumupuno sakin ngayon ay ang iparamdam sa kanya yung sakit na ipinararamdam nya sakin. Mag sorry man sya ng pa ulit ulit pero huli na, dina non mababalik at mababago ang mga naganap na.

"Hey Gabby" Nagulat pa ako ng makita si Angela, inabutan nya rin ako ng tsaa. Naupo rin sya sa tabi ko,sandali akong nag taka.

"Siguro masaya ka sa nakikita ngayon. Look Angela, my life is fucked up like you wanted from the very start, you must be so please" Dumaan ang pagka bigla sa mukha nya.

"Gabby I never wish to see you like this. How can you even say that?" Na guilty ako sa sakit na maririnig sa boses nya. "Alam kong madalas tayong di magka sundo pero mahalaga ka sakin Gabby" Napa lunok ako at napa yuko sa kamay ko.

"I'm sorry" Mahinang turan ko.

"Ano bang nangyari?" Walang panghihimasok sa boses nya kaya siguro magaan ang loob kong mag kwento.

"Akala ko nung makilala ko sya napaka swerte kona, parang naintindihan ko yung mga love story na madalas nating panoorin. Parang naka relate ako Gel, naramdaman ko yung once in a lifetime na nababasa natin. Aaminin ko na never kong naramdaman iyon pagdating kay Nat. Ibang iba si Andrea sa lahat" Malungkot na kwento ko.

At kahit pa puno ng pagkamuhi ang puso ko, nag iba parin ang ritmo nito ng bumalik sa alaala ko yung kulay ng mga mata ni Andrea noong unang pagkikita namin.

"Whirlwind romance, isa iyon sa description na madalas kong maisip sa naging relasyon namin. Naging napaka bilis kasi. Pero alam kong tunay yung meron kami Gel kaya nga kahit na ilang taon palang pumayag na akong makasal at magka-anak na kami. Bakit pa kasi patatagalin diba?" May pait akong natawa ng ma alala naman lahat ng kasinungalingan nya, ano ba ang totoo sa Ipinakita nya sakin? Meron ba?

"Biglaan ang pag uwi ko kasi nahuli ko sya, di ako sigurado noon sa nakita ko. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko na sinira ko ang ilang taong pagsasama namin sa maling akala. Ang malakas lang na sampal sa muka ko ay yung malamang totoo ang hinala ko. Nagkaroon sya ng affair at hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin ngayon na handa ko na syang patawarin. Kung iisipin napatawad ko na sya pero back to zero nanaman kami" Tumaas ang dalawang kilay nya sabay tungga sa beer na dala.

"Sheesh Gabby" Di parin sya maka paniwalang tumitig sakin.

"Yeah siguro big fuck you narin sakin ni Universe na iniwan ko ang isa sa pinaka loyal na lalaki sa mundo" Balik ko.

"Anong plano mo ngayon? Pero diba naka process na ang divorce nyo?" Tumanaw ulit ako sa kalangitan.

"Diko alam, sinabi nya sakin pagdating dito na di nya ipinasa ang papeles. Kaya kasal parin kami sa batas nila" Ilang segundo kaming natahimik.

"Gab gusto mong marinig ang opinyon ko?"Bumalik ang mata ko sa kanya.

"Wala namang mawawala sakin. Give me your brutal opinion" Tumawa sya.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon