Chapter Fourteen
Dapat ba kong ma guilty sa lahat ng ginawa ko? Hindi ko alam kung ano ang nararapat kong maramdaman ngayon. Marahil ayoko ring amining may kasalanan ako sa mga nangyari,kung hinayaan ko syang mag explain sa lahat ng nakita ko maaring wala kami sa ganitong sitwasyon at masaya kami.
Ang problema lang dati pa kung talagang wala lang para sa kanya yung si Spencer hindi ba dapat noon palang gumawa na sya ng paraan para dina makita o makasama ito. Pero iba ang ginawa nya,noong time kasi na nawalan ng trabaho ang babaeng iyon binigyan nya ito ng trabaho bilang secretary nya.
Pretty shitty if you ask me... For that reason alone kaya kami madalas na nag aaway. Alam nyang nag seselos ako pero wala syang ginawa, karagdagan pang tuwing dadalawin ko si Andrea maya't maya nitong nilalandi ang asawa ko. Kaya mas lalo lang akong naka sigurong gustong agawin sakin ng babaeng iyon ang asawa ko.
Habang abala sa paghahanda ng mga gagamitin para sa week long trip namin na mismong si Andrea ang nag arrange. Pumasok sa kwarto ang kanina ko parin iniisip, mula nung isang araw na pagtatalo namin di nya na ako pinapansin. Kapag lang nasa harapan ni mama na halatang involuntary pa.
"Do you need anything else? We are going to buy everything we might need" Umiling ako.
"I'm all good thanks for asking"
"No prob" Yun lang at lumabas na ulit sya.
Bumuntong hininga nanaman ako,bakit parang nagka baligtad? Sa pagkaka alala ko dapat ako ang amuin at sakin sya manghingi ng tawad pero ngayon mukhang di babalik sa dati ang pakikitungo nya sakin unless mang hingi ako ng sorry sa kanya. Hindi fair...
Lumuhod ako sa tabi ng kama saka inayos ang sapin sa tabi ng kutson ni Andrea, para i point out kasing malaki talaga ang inis nya sakin nag provide sya ng sarili nyang higaan at tuluyang humiwalay sakin. Hindi nagtaka si mama sa ginawa nya kasi sinabi nya rito na natatakot syang masipa ako. But the truth is di naman sya malikot matulog sinasadya nya lang akong iwasan.
Ngayon tuluyang pinuno ng guilt ang puso ko, siguro dapat ngang bigyan ko sya ng second chance para di rin manalo ang Spencer na iyon. Di sya makaka ngiti sakin na parang naisahan ako dahil nag tagumpay syang masira ang relasyon namin ni Andrea. I will never give her the satisfaction.
Lumabas ako ng kwarto kaysa ma buro sa loob nito pagdating sa salas nakita kong binobombahan nila Patience ang malalaki naming salbabida. Nagkaka ingay at puro din sila tawanan habang pinag uusapan ang swim suit na isusuot.
"Hiya ate, bumili lang ng ibang supplies sila ate Andy" Naupo ako sa tabi nya.
"Nasabi nya nga sakin" Sinira ko yung plastic ng isang floaters na naisip kong pahanginan.
"Okay lang ba kayo?" Bulong ng kapatid kong tsismosa.
"Okay lang naman" Balik ko,ngumiti ako at kinuha si Josh na nag lakad palapit sakin. "Gusto mo nito Josh?" binigyan ko sya ng pwedeng pag laruan.
"Bakit parang di kayo nag papansinan?" Bulong nya nanaman,nasa malapit lang kasi si mama.
"Ayaw nya kong pansinin. Siguro napuno na" Hinaplos ng kapatid ko ang likuran ko.
"Akala ko naman okay na kayo kasi diba nag ki kiss na ulit kayo?" Nag init ang pisngi ko.
"Patty walang kiss na nangyari" Mas nag init ang pisngi ko ng ma alalang more than kiss meron.
"Tsk dahil sa interruption ko no. Sabi ko ng dapat kumatok muna ako eh" Natawa ako.
"Yeah pa sulpot sulpot ka kasi" Mas dumikit sya sakin.
BINABASA MO ANG
Skeletons In the Closet (wlw)
Storie d'amoreNagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si Andrea, kaagad nahulog ang loob nya para dito hanggang sa dumating sa puntong di nya na kaya pang mabu...