Lesson Learned

1.1K 62 6
                                    


Chapter Twenty-seven








Nag simula mag uwian ang lahat ng bisita ng bumuhos ang malakas na ulan, plano pa sanang patagalin ang inuman ng mga kaibigan ko na dina natuloy ng mawalan ng ilaw. Kumulog at kumidlat sa labas ng bahay sumisipol na rin ang hangin.

"Wag na kaya kayong umuwi baka ma aksidente pa kayo" habol ko kina Angela at Courtney, sila nalang dalawa ang natira.

"Okay lang saka malapit lang naman yung condo rito. Gusto kong solohin si Courtney kaya wag ka ng tumutol dyan" Nag ikot ako ng mata sa ibinulong ni Angela. Pero diko sya masisi dipa rin sila naiiwang dalawa dahil sa kasama silang tumulong sa pag aayos nitong binyag.

"Oh sya, basta mag ingat kayo. Ang dilim sa daan"Hinatid ko nalang sila hanggang sa pintuan sa sobrang lakas ng ulan.

"Don't worry Gabby, pahinga kana" Humalik sa pisngi ko si Courtney bago pa sila tuluyang sumakay ng sasakyan.

Pinanood kong dahan dahang maglaho ang liwanag ng sasakyan nila, kalahating oras narin na walang ilaw kaya pati na mga daan madilim. Kaya na cancelled ang flight ni Spencer dahil sa malakas na bagyong ito at mukhang ngayon palang ito nagpaparamdam.

Bumalik ako sa loob, tahimik na sa salas dahil mas pinili nalang din ng mga kasama ko sa bahay na maaga ng matulog, masyado na kasing malamig sa ihip ng hangin kaya baka iyon nalang din ang gawin ko.

Umakyat ako, pag panik hininaan ko ang emergency light sa crib ni Allison. Umupo ako at pinagmasdan yung payapang pag tulog nya, nakahinga akong malaman na kahit bumabagyo na sa labas ng bahay payapa parin ang tulog nya.

"Mabuti nalang at good girl ka anak ko" Naka ngiti kong hinaplos ang matabang pisngi nya.

Napunta nanaman ang isipan ko sa babaeng abo ang mga mata, naguguluhan ako kung bakit di sya nagpaparamdam , talaga bang okay na sa kanyang tuluyan ng matapos ang relasyon namin? O baka ako nalang ang umaasang may aayusin pa kami.

Tumayo ako para mag palit na ng damit, baka umaga na magkaroon ng ilaw dahil di humihina ang hangin at ulan. Magandang ipahinga ko na muna ang katawan, lalo't napaka aga kong nagising kanina.

Mabilis lang akong nag linis ng katawan dahil tina tayuan nako ng balahibo sa lamig. Papahiga na ako ng biglang mag liwanag ang kwarto na ikinatuwa ko, malakas parin ang ulan pero tumigil na ang pag kulog at pag kidlat kaya siguro ibinalik na nila ang kuryente.

Wala akong narinig na cheer mula sa iba pang mga kasama ko sa bahay kaya naka siguro akong tulog na silang lahat. Nahiga ako sa malaking kama, malaki masyado para sa iisang tao.

Ngayon kolang napapansin ang bagay na ito, pati na yung ilang buwang lamig dahil wala akong katabi sa pag tulog. Napa buntong hininga ako bago tuluyang malungkot sa mga iniisip ko.

Alas onse na ng gabi ngunit mukhang di parin ako dadalawin ng antok. Dapat na sanay nako dahil ilang gabi narin namang mahirap hanapin ang kapayapaan para maka tulog ako.

Kahit na tinatamad tumayo ako at nag decide na mag timpla ng gatas baka kapag ginawa ko iyon maka tulog nako. Sinilip ko muna ang natutulog na si Allison at ng maka tiyak na nahihimbing parin sya lumabas nako ng silid

Pagbaba pinatay kona ang ibang mga ilaw na naiwang naka bukas at dumiretsyo na sa kusina, tumanaw ako sa bintana at sa malakas na patak ng ulan, napa buntong hininga nanaman ako ng mapansing ibang lamig ang nararamdaman ko ngayon, hindi yung simpleng lamig, lamig na bumabalot na sa puso ko.

Nag init ang mga mata ko ng ma alala kung gaano kalungkot ang abong mga mata nya nung huling pagkikita namin. Siguro nung mga oras na iyon wala akong naramdaman dahil sa galit ko pero nitong ilang buwan tuwing babalik sa isipan ko ang walang buhay na mga mata nya. Bigla akong na gi guilty sa sakit na dinala ko sa kanya.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon