Telling myself to Forgive

880 56 6
                                    


Chapter Twenty-two









Pagbaba ng sasakyan naka nguso ako sa pagpipigil na umiyak, natatakot ako sa tinging ibinibigay sakin ng mama ko. Kahit na alam kong di nya naman ako sasaktan, kahit na alam kong wala syang gagawing makaka sakit sakin.

Bakit ba natatakot ka? Tanong ng boses sa loob ko.

Patakbo akong tumungo sa loob ng kwarto ko at diko na inisip kung dumating na sila Andrea. Sa ngayon gusto kong masolo, tumitig ako sa kisame ng kwarto ko at nag isip. Halos sumakit ang ulo ko dahil wala rin namang pumapasok sa utak ko.

Maya maya lang ng may kumatok. Dina ako nagulat dahil kanina ko pa inaasahang pag balik nya ako kaagad ang pupuntahan nya.

"Bukas yan" Ilang segundo lang ng bumukas ang pintuan.

"Hey umh I'll just take Courtney to my condo then I'll be back" Tukoy nya doon sa unit nyang binili mula ng dumating sya sa bansa. Iyon ang tinuluyan nya habang hinahanap ako.

"Andrea I think it's best if you give me space. Kailangan kong makapag isip" Nakaramdam ako ng inis ng makita nanaman ang lungkot sa mata nya. Nai kuyom ko ang mga palad.

Bakit ba sakin sya tumitingin ng ganon? Sya ang may kasalanan kung bakit kami nasa posisyong ito ngayon. Kaya wala syang karapatang iparamdam saking ako ang may kasalanan at nagkaka ganito kami.

"You don't want to see me, I get it Gabby" Hindi ako sumagot. "I'm sorry and I know it will never be enough. I don't know what to do, what do you want me to do Gabby?" Nag iwas nanaman ako ng tingin ng mag landas ang luha sa mukha nya.

"Hindi ko alam,okay? Nasasaktan ako ngayon at di kita gustong makita kaya napaka sama ko na ba kung mang hihingi ako ng space?" Suminghot sya saka nag lakad palapit,naupo sya sa tabi ko.

"I'm scared Gabby, I don't want to lose you. I'm scared that when I give you the space that you want. You'll realize- You'll know, you don't really need me" Huli na para pigilan ko ang sarili ng iangat ko ang kamay para punasan ang luha sa pisngi nya.

"Nakagawa ka ng bagay na alam mong makaka sakit sakin at habang tinitignan kita bumabalik sakin ang lahat. Alam mong mahal na mahal kita at kahit na anong gawin ko,ikaw parin,ikaw lang. Pero hindi ganoon kadaling kalimutan lahat yon" Naluluhang turan ko,sumiksik sya sa leeg ko at yumakap ng mahigpit.

"I'm sorry baby, I'm sorry for the pain I've caused you. Tell me what I have to do for you to finally forgive me" Hinaplos ko ang buhok nya saka ako huminga ng malalim.

"Bigyan moko ng space. Hindi madali sakin ito Andrea at sa ngayon iyon lang ang gusto ko." Dumiin pa lalo ang pagkaka yakap nya sakin.

"O-okay, if that's really what you need right now. Just know that if I have the power to undo my mistakes, I will. I love you Gabby, you are everything to me and nothing will make sense anymore if you decide to leave me." Tumapat sya sa mukha ko saka sya lumapit para halikan ang noo ko.

"Kailangan ko lang ng space para makapag isip ng hindi mo ginugulo ang utak ko. Mahal na mahal kita kaya napaka sakit din ng nagawa mo" Pinigilan kong umiyak sa harapan nya pero wala naman ng point ang pag papanggap kong malakas ngayon

***

Matapos ang ilang linggo mas pinili ko nalang na isantabi ang problema namin ni Andrea, dahil mas madali namang tumakas kaysa ang harapin ang mga isipin ko nitong ilang araw. Isa pa doon ako magaling.

Nag handa ako sa pag punta sa birthday ni Jonathan, ilang beses akong inimbitahan ng mama nya. Mula ng umuwi ako ng bansa maraming pagkakataon narin kaming nagka salubong sa palengke at dina katulad dati ang pakikitungo nya sakin. Parang malaki ang pasasalamat nyang iniwan ko si Jonathan. Tutal una palang dina nya ako gusto.

Skeletons In the Closet (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon