HAPPY 27K READS I'M IN LOVE WITH MY BODYGUARD BOOK ONE! :*
- - - - - - -
"WHAT'RE you doing?"
Napaharap si Daniel sa asawa niya ng magsalita ito. Kanina pa siya gising at nagluluto ng pagkain nilang mag-asawa. Huling araw na nila dito sa Brazil. Halos tatlong buwan din silang nandito. Dapat nga ay isang buwan lang kaya lang nagustuhan ng asawa niya ang ambiance kaya umabot sila ng tatlong buwan.
Pupuntahan nila ang famous statue na Christ The Redeemer. Magte-thank you daw si Hope dahil binigyan sila ng baby.
Medyo malaki na ang tiyan ni Hope kahit tatlong buwan pa lang. Nag-punta sila sa OB kahapon at tinanong nila kung bakit ganoon ang changes kay Hope. Napahinga naman siya ng maluwag ng sabihin ng doktor sa kanila na normal lang daw yun. Nasa genes daw ng pamilya nila Hope na malaking magbuntis.
"Cooking food for my girls." proud na sabi niya at saka nagpatuloy sa pagluluto. Nalaman din nila na babae ang magiging anak nila.
"Wow. Baka naman tumaba ako masyado, hindi ko na mailabas si Amelia niyan." nagbibirong sabi ni Hope at kumuha ng boiled egg sa lamesa. Pinaglilihian yata nito ang nilagang itlog kasi kaninang alanganing oras ay nagpapaluto ito sa kanya ng itlog.
"Amelia? Mas sophisticated ang Amanda." kontra niya.
Kahapon pa nila pinagtatalunan kung ano ang magiging pangalan ng anak nila. Mas magandang pakinggan ang mga vintage na pangalan kaya nag-isip talaga sila. Amelia Feliz ang gustong pangalan ni Hope samantalang ang naisip niya ay Keith Amanda. Sa totoo lang, ang pangalan na Keith ay galing sa pangalan ni Kath. Mabuti na lang at hindi nahalata ito ng asawa niya.
Halos dalawang buwan na siyang hindi tinetext ni Kath. Kating-kati na siyang umuwi dahil miss na din niya ito.
"It's Amelia Feliz, Mr. Villacarlos. Mas maganda sa kanya ang nickname na Ami." sabi nito at namewang pa.
"Mas maganda ang Keith Amanda. Pwedeng Kit na panglalaki ang palayaw niya o Mandy naman na pangbabae." paliwanag niya at hinainan na niya ng pagkain ang asawa niya.
"Unisex pala ang naisip mong name?" sabi nito.
"Uhuh. Gagawin kong boyish yang anak natin para hindi agad maligawan." paliwanag niya.
Nangalumbaba ito.
"Bakit feeling ko, ayaw mo na babae ang first born natin?" kunot noong tanong nito sa kanya.
"Oh. Mood swing alert. Hindi sa ayaw ko na babae ang first born natin. Mas cute lang na lalaki ang first born kasi dalawa kaming magpoprotect sa'yo diba?" paliwanag niya at sinubuan ito ng kanin.
"Hmp! Oo na lang." nagtatampong sabi nito sa kanya.
Natawa na lang siya sa inasal ng asawa niya.
***
"WELCOME home bro!"
Salubong ni Lester at Katsumi sa kanya. Matagal na hindi niya nakita ang mga ito dahil nabusy sa trabaho. Si Katsumi ay ikakasal na next year kay Daezen na long time girlfriend nito. Si Lester naman ay ganun pa rin at walang girlfriend.
"Hindi ka ba papagalitan ni Hope na nag-bar ka?" tanong ni Lester sa kanya.
"Hindi. Nagpaalam naman ako sa kanya na kikitain ko kayo." sabi niya at umupo.
"Order lang ako ng drinks natin, tol." paalam ni Katsumi sa kanila na tinanguan naman nila.
Maingay sa loob ng bar pero hindi gaanong masikip kaya sakto lang.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...