CHAPTER 26

1.8K 47 1
                                    

Ito 'yung pinromise kong update pero may ginawa kasi akong one shot story para sa isang contest kaya lang hindi ko nai-submit, kaya ngayon lang ako nakapag-update. Sorrna.

Please read my new posted story Walang Forever, Period. One shot story siya. Para sa mga taong hindi naniniwala sa forever, katulad ko, mabuhay tayo! xD

Sino na ang may pasok bukas? HAHAHAHAHAHAHAHA!

Apir tayo! :D

- - - - - -

NARINIG na naman ni Kathryn ang buntong hininga ni Harry. Nakaupo kasi ito sa higaan nila ni Zion. Nakatuntong kasi si Zion sa higaan at binibihisan niya ito.

Aalis sila ngayon para makasama si Daniel. Kinakabahan din siya sa magiging reaksyon ng anak niya dahil ngayon niya rin ipapaalam na si Daniel ang ama nito.

Pinagbigyan niya ang hiling ni Daniel na makasama si Zion ng apat na oras sa isang araw. Isang buwan nilang gagawin 'yon. Pinagbigyan na niya dahil huli na naman daw ito.

Ayaw pumayag ni Harry ngunit wala itong magawa. Nagustuhan din kasi ni Zion na kasama si Daniel kaya pumayag na rin si Harry.

"Where are we going, mommy? Are we going to the zoo?"

Tanong ng tanong si Zion. Natapos na niya itong bihisan at kakalagay niya lang ng huling medyas nito kaya patalun-talon na lang ito sa ibabaw ng kama nila.

"Zion, can't you just stay here with me? I'm lonely." malambing na sabi ni Harry kay Zion na tumatalun-talon pa rin sa ibabaw ng kama. Nagulo na nga nito ang pagkakapatas ng unan.

Napahagikgik si Zion at nilapitan si Harry. Pinapanood niya ang dalawa habang sinusuot niya ang sapatos niya.

"Don't worry, Dad. We'll go home early. I'll be a good boy." nakangiting sabi ni Zion dito at pinat pa ang ulo ni Harry. Napangiti siya. Ang cute tingnan ni Harry at Zion habang nag-uusap.

"Come, Zion. Let's brush your hair." sabi niya dito habang hawak ang isang suklay.

"Ako na. I'll do it." sabi ni Harry at bumuntong hininga ulit.

"Tumigil ka nga diyan. Wag mong dramahan 'yang bata." natatawang sabi ni Kath kay Harry at inabot naman niya ang suklay dito. Natawa ulit siya ng niyakap siya nito sa bewang ng mahigpit. Halatang nagseselos ito kapag gano'n ang inaasta nito.

"Pwede bang next time na lang kayo umalis? Kahit pinsan ko 'yon, nakakainis pa rin na sasama kayo sa kanya." bulong nito sa tiyan niya. Nakasubsob kasi ang mukha nito doon.

"Hey. Selos alert. Binibigay ko lang sa kanya ang responsibilidad at karapatan na gusto niya. Last na naman daw ito at wala na. Isang buwan lang 'to, Harry." malambing na sabi niya at hinagod pa niya ang malapad na likod nito.

"Hindi pa rin ako mapakali Kath. Si Daniel 'yun eh. Alam mo naman na pagdating sa kanya, talo ako, diba?" malungkot na sabi nito at tiningnan pa siya.

"Dad, don't be sad." biglang sabi ni Zion kay Harry at niyakap pa silang dalawa.

"Palibhasa walang naiintindihan 'to sa pinag-uusapan natin." Natatawang sabi ni Harry sa kanya at sinuklayan na ang magulong buhok ni Zion.

"Go get your shoes, baby." utos ni Kathryn kay Zion. Sumunod naman agad ito sa kanya at lumabas ng kwarto.

"..at ikaw naman." nakangiting sabi niya kay Harry. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

"Pwede ka munang magpunta kila Seth or JC. Kakauwi lang ni Seth kasama si Krishna kahapon galing Switzerland. Tinawagan din ako ni JC. Gusto ko niyang makausap. Hindi raw niya ma-contact ang cellphone mo kagabi eh." sabi niya dito at pinisil pa ang ilong nito.

"Gusto kong sumama sa inyo." seryosong sabi ni Harry.

"Sorry, love. Pero pwede mo kaming sunduin after. Itetext kita." nginitian niya pa ito.

"Bakit biglang ang bilis mong magbago? Diba, dati..ayaw mong ipakilala si Zion kay Daniel. What're you doing right now?." sabi sa kanya ni Harry.

"Please don't worry. This is the last. He promised me." pinal na sabi niya.

"Anyway, bababa na ko. Baka ginugulo na no'n ang shoe rack. Maligo ka na." sabi niya ulit dito at mabilis na hinalikan ang labi nito bago siya tumayo palabas ng kwarto.

***

SUSUNDUIN dapat ni Daniel si Zion at Kathryn sa bahay ng mga ito ngunit hindi pumayag si Kath. Nagdesisyon silang magkita na lang sa isang restaurant dahil lunch time na. Hindi pa siya umoorder dahil wala pa si Kath at Zion.

Napatingin siya sa pinagparadahan niya ng kotse niya. Doon niya rin nakita ang paparating na Elise. Parang alam na niya kung sino ang sakay no'n.

Nang huminto ito ay bumukas ang pinto at bumaba si Kathryn. Napatango na lang siya. Tama ang hinala niya. Si Kathryn nga 'yon. Naka shades ito habang nakababa ang buhok nitong tulad ng dati ay kulot pa rin ang dulo. May sando itong itim na natatakluban ng suot nitong asul na polo shirt na nakabukas. Naka white pants ito at hakab iyon sa mga binti nito. Pinanood niya ang pag-iipit nito ng buhok nito bago ito umikot sa sasakyan para pagbuksan ang anak nila.

Nakangiting bumaba ang anak niya mula sa sasakyan. And his heart melted when he saw what he's wearing. Magkaparehas ito ng suot at si Kathryn. Parehas ang blue na polo shirt ng mga ito at naka white pedal pants ang anak nila. Nakashades din itong itim. He's so handsome.

"My baby boy.." bulong niya na wala sa sarili.

Pinanood niya lang ang mga ito habang magkahawak kamay na papasok sa restaurant. Naeexcite siya.

Atlas! Makikilala na nito na siya ang tunay nitong ama. It was all he needed for a peace in him.

"Hi Zion!" masayang bati niya at sinalubong niya ng yakap si Zion. Nakamasid lang sa kanila si Kath.

"Hi." nahihiyang sabi pa nito at tinitigan lang siya.

"Mom, he really do looked like me." sabi nito kay Kath at hinawakan ang kamay nito para maupo sa lamesang nasa tapat lang nila.

Umupo na sila. Narinig niya ang buntong hininga ni Kathryn. Marahil ay sasabihin na nito sa bata na siya ang ama nito.

"Zion, I have to tell you something important. But please, understand mommy, okay? I know you're a bright boy." malambing na sabi ni Kath sa anak nito.

It was priceless seeing them talk to each other.

Ngumiti ito kay Kath at tumangu-tango.

"This guy, he's not just my childhood friend. I'm sorry I lied to you.." sabi ni Kathryn at hinawakan sa magkabilang pisngi ang anak nito.

Kung tingnan niya ay parang hindi three years old ang anak nila. Masyado itong matangkad para sa isang three years old na bata.

Napatingin saglit sa kanya si Zion kaya nginitian niya ito. Ibinalik nito ang tingin kay Kath.

"..He's your real father. I lied that Daddy Harry is your father. I'm sorry, my Zion. I'm sorry. I had to make Harry your father because your real father wasn't there when we needed him and Harry was there. Please forgive me." naiiyak na sabi ni Kath dito.

To be continued..

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon