Continuation of Flashback.. (3 years ago)
PATAGONG inismiran ni Kathryn si Daniel matapos itong pagalitan ni Tita Karla.
Paano, eh tinakasan na naman siya ng magaling na binabantayan niya. Lagi itong umaalis pero nasusundan niya naman agad. Dahil doon ay inis na inis ito sa kanya.
“Hindi ka na bata Daniel! Ano bang gusto mo?! Lagi ka na lang sisigawan dahil sa tinakasan mo ang tagabantay mo?! For goodness sake, grow up son!” sigaw ni Tita Karla rito.
Napangiwi siya dahil umalingawngaw sa buong kabahayan ang sigaw nito.
Ilang segundo ang nakalipas nang makaalis ang nanay nito ay agad itong humarap sa kanya.
“Bakit ba lagi mo na lang ako sinusundan?! Nabubuwisit na ko sa’yo!” galit na sigaw nito sa kanya.
Napahikab si Kathryn dahil sa sinabi nito.
“Natakot ako. Seryoso.” Walang ganang sagot niya.
“Ano ba?! Body guard lang kita kaya karapatan kong utusan ka!” sigaw muli nito sa kanya.
“Wala kang karapatan. Hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin.” Sagot niya saka dumiretso sa kusina para kumuha ng kape. Astig nga eh. Nagalit lang ito sa kanya, inantok na siya. Nakakaantok pala itong magalit.
“Ate Teresa, may kape po ba sa coffee maker?” tanong niya sa isa sa mga katulong na nandoon sa kusina. Naghihiwa ito ng manok.
Sa totoo lang, kaclose niya ang mga kasambahay doon dahil mababait naman ang lahat ng mga ito. In a span of 3 weeks of staying there, she felt so welcome because of them.
Malapit na rin siya sa mga ito dahil ang Nanay Lorna niya ay kasambahay din nila dati bago tumayong magulang niya ng mamatay ang tunay na mga magulang niya.
“Meron pa yata. Na Susan, nagkape ho ba kayo kanina? Naghahanap ng kape si Kathryn, eh baka naubusan niyo na.” tanong nito sa isa pang katulong doon na kung tawagin nila ay Na Susan dahil mas matanda ito sa kanila. Nasa tapat ito ng kalan at nagluluto. Para siguro sa hapunan.
“Hindi. Madami pang kape. Kumuha ka na lang diyan iha.” Nakangiting sabi nito sa kanya.
Tumalima lang siya at kumuha ng tasa saka naglagay ng kape doon mula sa coffee maker.
“Baka naman may gusto ka na sakin kaya lagi mo akong sinusundan?” Biglang sulpot ni Daniel sa loob ng kusina. Halata ang paghihinala nito sa tono pa lang ng boses nito.
“Ay Sir. Magandang hapon po.” Bati ng dalawang katulong na nandoon kay Daniel.
“Walang maganda sa hapon dahil sa babaeng ‘to.” Sabi nito at itinuro pa siya.
“Utang na loob. Mandiri ka sa mga sinasabi mo.” Sagot niya dito saka nagsimulang sumimsim sa kape niya.
“Yun lang naman ang nakikita kong dahilan.” Sabi nito at hinimas pa ang noo na animo’y sumasakit ang ulo.
“Wow ha. Ikaw na ang nag-sabi kanina na body guard mo ako. Ibig sabihin, gawain kong sundan ka saan ka man magpunta dahil tanga ka pa naman at baka mabugbog ka na naman.” Sabi niya rito saka umupo sa stool na nandoon.
Narinig niya ang pag-hagikgik ng dalawang kasambahay na nakakarinig sa pag-uusap nila. Kahit kailan talaga ay napakayabang nito!
Nakita niya ang pamumula ng tenga nito. Senyales na napahiya ito sa sinabi niya.
“Ipaalam mo pa.” sarkastikong sabi sa kanya nito.
“Talaga. Bukod sa ako na nga ang nagligtas sa’yo, ako pa gumamot sa’yo. Oh kitams? Tanga mo diba?” mapang-asar na sabi niya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/17433748-288-k278373.jpg)
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
AkcjaFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...