CHAPTER 27

1.7K 38 2
                                    

NANG tumulo ang luha ni Kath ay pinahiran 'yon ng anak nila. His small hand wiping his mother's tears.



"Don't cry, mommy. I don't want you crying." sabi nito at hinalikan sa pisngi si Kathryn na lumuluha.



"I'm a big boy, right? I understand you." sabi ulit nito at ngumiti.



Napasinghap si Kath. Hindi siguro nito inakala na gano'n nito kabilis na matatanggap na si Daniel ang ama nito. It also surprised Daniel. Akala niya ay magwawala ang anak niya at sasabihing si Harry ang ama nito.



Humarap si Zion kay Daniel at ngumiti.



"That explains why we looked alike. Hi, Papa." nakangiting sabi nito.



Agad tumayo si Daniel para yakapin ang anak niya. This is the moment he've been waiting for.



***



HINDI makapaniwala si Daniel. Kasama niya ngayon ang anak niya at hawak-hawak nito ang kamay niya. Naglalakad silang dalawa sa zoo ngayon ayon na rin sa gusto nito.



Panay ang kwento nito sa kanya sa mga lugar na napuntahan na nito. Kada summer pala ay inililibot ito ni Kathryn sa iba't-ibang bansa. Samantalang si Amanda ay sa Canada ang huling napuntahan bago bumagsak ang sarili nilang kompanya.



Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Kath noon. Ibibigay nito lahat sa anak nito.



"Baby boy, let's change your clothes." napalingon silang dalawa ng magsalita si Kathryn sa may likuran nila. May hawak itong puting sando.



Bumitaw agad sa kamay niya si Zion at patakbong lumapit kay Kathryn. Umupo ang mg ito sa isang bench kaya sinundan niya ang dalawa. Umupo siya sa tabi ni Kath.



"Dapat siguro ay turuan mong mag-Tagalog si Zion. Mahihirapan siyang makipag-usap sa mga bata dito." suhestiyon niya kay Kathryn. Tinanggal na nito ang shirt ni Zion. Napaka-puti ng anak niya.



Pinolbohan naman ni Kath ang dibdib at likod nito bago sinuotan ng hawak nitong sando kanina.



"Hindi naman kami magtatagal dito. May inaayos lang ako sa kompanya at sa pinapatayong bagong branch. Kapag naayos ko na ang ilang problema do'n, ibibigay ko na kay Julia yung ilang natitira. Pumapasok siya sa California. May bahay ako doon." sabi nito sa kanya habang sinusuklayan ang anak.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon