"KAPAG walang mga katulong dito sa bahay, kailangan mong magluto ng pagkain. Pa'no na lang kapag mag-asawa na tayo? Sinong magluluto ng pagkain pagdating ko galing trabaho?"Napanguso na lang si Kathryn na nakaupo sa isang stool sa may kusina ng bahay nila habang nagluluto naman siya ng hapunan nila. Sinesermonan niya ito dahil hindi ito marunong magluto.
"Eh hindi mo naman ako hahayaang magutom diba?" sabi nito sa kanya.
Napangiti siya dahil sa sinabi nito.
Kinuha niya ang chopping board at ginayat ang sibuyas na nilalaro ng mga maliliit na kamay nito at nagsalita muli.
"Pero dapat matuto ka pa din. Manood ka sa youtube o kaya magpatulong ka kina Na Susan o kaya kay Ate Teresa. Kaclose mo naman sila diba?" sabi niya at inihulog na sa mainit na mantika ang sibuyas. Sunod naman niyang hiniwa ang bawang.
"Pffft. Ayaw nga nila akong pahawakin ng kahit anong gamit sa pagluluto eh. Katulong daw sila kaya trabaho daw nila 'yon." sabi nito habang nakapangalumbaba at nanghahaba pa rin ang nguso.
Napatawa naman siya at hinalikan ang labi nito bago niya inihulog din sa mantika ang hiniwang bawang.
"Ano bang lulutuin mo?" sabi nito at sinilip ang ginigisa niya.
"Secret. Relax ka lang diyan, mahal na reyna. Hayaan mong pagsilbihan kita." sabi niya at tinapik pa ang dibdib niya na parang sinasabing, 'I can do it'.
Tumawa lang ito at binato siya ng balat ng mga pinaggayatan niya.
PARANG walang pinagbago ang eksena noon sa eksena nila ni Kathryn ngayon. Kaya lang sa pagkakataong 'yon, siya naman ang nakaupo sa stool ng kusina nito at ito ang nagluluto. Oo, tama. Nasa mansyon siya ni Kathryn Mendoza. Ang sikat na babaeng nagpapatakbo ng hottest company sa buong mundo. Ang babaemg girlfriend niya at ang babaeng matagal na niyang mahal.
"Anong gusto mo? Madaming cheese o konti lang?" tanong nito sa kanya habang busy ito sa lasagna na ibe-bake nito. Hindi man lang siya nito nilingon.
"Kahit ano." sagot lang niya habang nakangiti at nakatitig sa bahagyang pawisan na mukha nito. Bahagya na ring magulo ang nakaipit na buhok nito. Nakasuot ito ng pulang apron at namumula ang pisngi nito, dahil siguro sa init. She's beautiful though she's a mess.
"Kahit ano?" nalilitong tanong nito at lumingon sa kanya.
"Kahit alin." sagot niya at mas lalong lumapad ang ngiti niya dahil nagagandahan siya sa itsura nito ngayon. Nakakunot ang noo at nanliliit ang mata. Namumula pa rin ang pisngi nito.
Napanguso ito dahil sa sagot niya. Tinagal nito ang apron at ibinato sa kanya kaya napahalakhak siya.
"Come. Let's watch a movie habang hinihintay natin maluto yung lasagna." sabi nito sa kanya at hinila siya patayo.
***
NAPAHIKAB si Daniel ng mag-flash sa screen ng tv ang credits ng pelikula. Sinilip niya ang orasan niya at pasado alas otso na pala ng gabi.
Mahimbing naman na natutulog si Kathryn habang nakayakap sa bewang niya at nakaulo sa balikat niya. Tinitigan niya ang mukha nito at napangiti siya. Hindi niya akalain na makakasama niya ulit si Kathryn. Hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganitong pakiramdam muli.
Bigla niyang naisip si Hope. Ang asawa niya. Anong mangyayari sa kanila kapag nalaman nito na sila na ulit ni Kathryn? Bigla ay nataranta siya. Ayaw niyang mawala muli sa kanya si Kath.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Kath habang natutulog. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan ng mariin sa labi bago niya ito kinarga papunta sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...