(a/n: This chapter is dedicated to @RhadzJamoyot. Very consistent sa mga comments. :) Thank you for your support! This chapter's for you.
Enjoy reading~!)
-mySACHIgirl
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -Flashback (3 years ago)
INIS NA INIS si Daniel dahil sa mama niya. Ikinuha kasi siya nito ng bodyguard dahil madalas siyang napapaaway.
At ang masaklap pa dun, babae pa!
Tumaas siya sa kwarto niya at kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa may bedside table niya. Dinial niya ang number ng tatay niya.
Matagal na siyang nakikipag-ugnayan sa daddy niya. Ito ang unang nakakuha ng number niya, months ago bago pa kumuha ng bodyguard ang nanay niya.
"Dad?" sabi niya ng sagutin nito ang tawag sa kabilang linya.
"Hey son. Napatawag ka?" tanong nito sa kanya.
"Eh kasi..ano po.." nahihiyang sabi niya. Hindi kasi siya open kahit sino man sa mga magulang niya.
"You know you can trust me, son" sabi nito sa kanya.
Napakamot siya sa batok bago sinabi sa daddy niya ang kinaiinisan niya.
"Si Mama kasi eh. Ikinuha ako ng bodyguard. I'm 23 Dad! Can't she see that I can take care of myself?" frustrated na sabi ni Daniel sa tatay niya.
Narinig niyang tumawa ito.
"Dad.." sabi niya. Halatang naiinis sa pagtawa ng tatay niya.
"Lagi ka na lang kasi napapasama sa gulo eh. Ang mga kaibigan mo naman, hindi. Last time, I heard na nabugbog ka sa bar dahil may nangbastos sa girlfriend mo. Then last week, nakipag-away ka dahil sa sobrang kalasingan. See son? your mother want to protect you." paliwanag ng Daddy niya.
"Pero Dad! Babae ang kinuha ni Mama! Babae!"
Tumawa muli ito.
"Saan niya ba napulot ang babaeng 'yan?" natatawang tanong nito sa kanya.
"Sa kompanya ni Khyron. Akala ko nirereto sakin na Mama na bagong girlfriend, bodyguard ko pala." sabi ni Daniel na may kasamang buntong-hininga.
"Saan niya nakuha?" parang biglang nagbago ang mood ng tatay niya. Biglang naging interesado ito sa bodyguard niya.
"Sa kompanya ni Khyron?" patanong na sabi niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkaganito ang ama niya.
"Anong pangalan niya?" tanong nito ulit.
"Kath ang tawag sa kanya ni Mama. Pero Kathryn Del Cielo ang full name niya." sagot niya rito.
Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanila bago niya ulit narinig ang boses nito sa kabilang linya.
"I'll call you some other time okay? I have some important matters to deal." seryosong sabi nito saka pinatay ang tawag.
At doon nagsimula ang lahat.
Nagplano ang tatay niya na hindi niya alam kung para saan. Sinabi lang nito na makakatulong iyon sa kanya para mabawi si Hope.
Inis na inis siya sa presensiya ng bodyguard niya. Lagi nitong binabara lahat ng sinasabi niya. Ang nakakapagtaka pa ay parang hindi ito marunong tumawa o ngumiti man lang.
Pero isang araw, nagulat siya. Unang beses niyang nakita ang ganda ni Kathryn. Maganda naman talaga ito. Natitigan na niya ang mukha nito noong ginagamot nito ang sugat niya nung minsang napaaway siya.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...