CHAPTER 25

2.1K 51 0
                                    

Sorry na-late! Magseseven o'clock na. Huhuhu. Sorry guys. Aagahan ko na lang ang next chapter bukas! :D Kiss ko na lang muna kayo. :*


- - - - - - - - - -


ALAS DIYES ng umaga inihatid ni Daniel si Hope at Amanda sa bahay ng mga ito sa Laguna. Doon nakatira ang mommy ni Hope. Bumukod na ito sa Daddy ni Hope dahil sa hindi pagkakasundo ng mga ito. Issue pa rin sa Daddy ni Hope nila ang pagpapakasal nito kay Daniel.



"Pupuntahan ba natin si Momsy, Mama?" tanong ni Amanda mula sa backseat. Nakaupo ito doon at nakaseatbelt.



"Yes, Mandy. Namimiss ka na ni Momsy. Magsstart na din naman ang summer kaya doon muna tayo." nakangiting sagot ni Hope sa anak nila.



"You, Papa? Are you going with us?" baling naman ni Amanda kay Daniel na seryoso sa pagda-drive.



Nagkatinginan tuloy sandali si Daniel at Hope ngunit si Hope na ang sumagot para kay Daniel.



"No, baby. May work si Papa sa Manila kaya hindi natin siya makakasama sa Laguna. Pero bibisitahin naman niya tayo every now and then." pagpapaunawa ni Hope.



"Okay. Basta laging may pasalubong si Papa." humagikgik pa ito.



Ngumiti lang ng kaunti si Daniel habang napabuntong hininga lang si Hope.



***


"PWEDE naman kayo sa bahay na lang diba? Bakit sumama pa kayo sakin? Mabobored lang kayo." sabi ni Kathryn kay Harry na kasalukuyang nagdadrive papunta sa Lohiaman. Kasama nila si Zion na nakakalong kay Kathryn at tumitingin sa mga nadadaanan nilang matataas na building.



"Mom, where is your building?" tiningala siya ni Zion.



Itinuro niya ang mataas na building ng Lohiaman na may malaking L at M sa tuktok.



Tumangu-tango ito. "That's huge. Can I go up there?" tanong ulit nito.



"There's a helipad there, baby." sabi niya na tinutukoy ang lapagan ni Carson, pangalan ng helicopter ng Lohiaman.



"Mom, can I try the helicopter? Please, mommy? Please? I'll be a good boy. I promise." sabi pa nito at nagpa-cute pa.



Tumawa naman si Harry habang nagpapatuloy pa rin sa pagmamaneho.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon