SINUNDAN ni Daniel ang kotse ni Khyron. Sumulyap siya sa orasan niya sa sasakyan at nakita niyang mag-aalas diyes na ng gabi.
Nilingon niya ang paligid kung nasaan sila. Naalala niyang may isang arko ng lumang subdivison ang pinasukan nila bago sila nakarating sa pinakadulong lugar na halos talahib lang ang nakikita niya. Halos nakikita niya na rin ang ilang alitaptap sa malaking puno na nasa bandang kanan niya. Nahagip ng mata niya ang isang malaking warehouse. Lumiko doon ang kotse ng Kuya niya kaya tinahak niya rin ang daanan.
Napapreno siya bigla ng may lalaking tumalon sa harapan ng kotse niya. Agad ding nabuksan ang pintuan ng kotse niya at may ilang mga lalaki ang humila sa kanya.
"Hawak na namin ang kapatid mo, boss." narinig niyang sabi ng isa sa mga lalaking natatakpan ang ibabang bahagi ng mukha. Mga tauhan dati ng tatay niya. Mayamaya lang ay mas humigpit ang pagkakahawak sa kanya nang maramdaman niyang may itinurok sa braso niya.
Alam niya kung ano 'yon. Ginagawa nila 'yon sa mga target nilang tao noon. Droga 'yon. Agad siyang pumalag ng maramdaman niya ang panghihina ng ibabang parte ng katawan niya.
"SAAN NIYO DINALA SI KATHRYN AT ANG ANAK KO?! ILABAS NIYO SILA!" sigaw niya kaya nakatanggap siya ng suntok mula sa isa sa mga ito.
Sinuntok muli siya sa kanyang sikmura kaya napaluhod siya sa lupa. Nararamdaman niyang tinatamaan na siya ng droga sa katawan niya. Unti-unti nang nanghihina ang katawan niya kasabay ng paglabo at pag-ikot ng paningin niya hanggang sa naramdaman niyang bumagsak na ang katawan niya sa lupa.
***
"PAPA! Wake up! Papa!"
Nagising siya dahil sa sigaw ni Zion. Nang bahagya niyang imulat ang kanyang mata ay nakita niya itong nakadungaw sa kanya at inaalog ang kanyang balikat. Nakahiga pala siya sa malamig na semento.
Agad umikot ang paningin niya. Umepekto na naman ang droga sa sistema niya.
"Papa! Help Mommy! Help Mommy! She's dying!" sigaw nito habang umiiyak at may itinuturo sa tapat nila.
Sa umiikot na paningin, napansin niya ang isang may kalakihan na bomba na umiilaw at nakapaikot sa katawan ni Zion. Dahan-dahan siyang bumangon para lang matagpuan ang sarili niya na nakatali sa isang poste.
"Papa please!" sigaw muli sa kanya ni Zion at umiyak.
Sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito. Naaninag niya si Kathryn na nakahandusay sa sahig at walang malay. Umaagos din ang dugo mula sa isang hita nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/17433748-288-k278373.jpg)
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
AkcjaFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...