LUMABAS si Kathryn mula sa kwarto na pinagbihisan niya. Akala niya ay sasalubungin siya ni Hanns ng puri pero wala ito."Hanns?" tawag niya dito.
Binuksan niya ang pinto at lumabas.
"Hanns?" tawag niya ulit at naglakad papunta sa malaking hagdan.
"Nasaan kaya yun?" tanong niya sa sarili niya.
Pero hindi pa siya nakakatapak sa unang baitang pababa ay namataan niya ang mga lalaking armado na nagpapaputok ng baril.
Nanlaki ang mata niya.
Napatakbo siya pabalik sa kwarto at inilock iyon. Tinanggal niya ang gown niya at pinalitan iyon ng mas komportableng damit.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa drawer doon at nakita niyang may ilang missed calls siya galing kay Julia.
Tatawagan na sana niya ito ng biglang naglagabag ang pintuan senyales na may nagbubukas doon kaya napalingon siya doon.
Kinuha niya ang baril na nakalagay sa bag niya at sumandal sa may dingding sa likod ng pinto. Dahan-dahan niyang pinihit pabukas ang pinto.
Biglang nagbukas ang pinto at iniluwa 'nun ang limang armadong lalaki.
Bigla niyang sinuntok sa mukha ang pinakamalapit sa pwesto niya bago ito binaril sa likod. Binaril niya rin ang dalawa pa bago siya pinaputukan ng baril ng dalawa pang natira. Mabuti at gumulong siya palabas saka tumakbo paalis.
Nang malapit na siya sa may hagdanan ay napayuko siya ng paulanan siya ng baril ng mga lalaki. Napansin niya ding wala ng tao roon kundi ang ibang staff at ang mga armadong lalaki.
Nasaan si Julia?
"Sh-t." she cursed when they didn't stop targeting her. Nakita niya ang dalawang sumugod sa kwarto niya kaya pinagbabaril niya iyon.
She mentally smirked. Hindi pa rin siya pumapalya.
Napansin niya ang pagtigil ng pagputok kaya ng silipin niya ang mga ito ay nagtatakbuhan ang mga ito papunta sa kinaroroonan niya.
Nahagip ng mata niya ang nakasabit na chandelier kaya agad niyang binaril ito kaya't nalaglag iyon sa mga lalaki.
12 in one blow, she said mentally.
Agad siyang tumakbo pababa at binaril ang ilan pa sa mga lalaki.
Tumakbo siya pakanan para takbuhan ang ilang lalaki na nakaharang sa daan niya.
Nang makarating siya sa malawak na hallway ay tinakbo niya ang dulo nito dahil may malaking pinto doon sa pag-aakala niyang exit iyon.
Nagkamali siya. Ang pinasukan niya ay ang kitchen kung saan wala ng katao-tao.
Narinig niya ang lagabag ng mga paa na tumatakbo papalapit sa lugar niya. Hinila niya ang malaking metal na divider kung saan nakalagay ang ilang cooking materials at iniharang iyon sa pinto.
Napaatras siya ng maglagabag iyon dahil sa pagpupumilit ng mga lalaking makapasok.
Nanlaki ang mata niya sa gulat ng biglang matumba ang iniharang niya at pumasok doon ang mga lalaki.
Pinagbabaril niya ang mga ito at saka yumuko ng pinaputukan siya ng mga ito.
Nakailang baril siya bago naubos ang mga ito.
"Sh-t." bulong niya ng maramdaman niya ang kirot sa balikat niya. Nakita niyang umaagos doon ang dugo niya. Nadaplisan siya.
Nang tumayo siya upang subukang tingnan kung may kalaban pa ay agad niyang natamaan ang mga bagong pumasok. Apat ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
AksiFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...