EPILOGUE

2.8K 69 15
                                    



KULAY PUTI. Sa gabing 'yon, walang ibang makita si Daniel kundi puro mga taong nakasuot ng puti. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi dahil 'yon ang tanging nakikita niyang kulay.



Kahit mga rosas na hawak ng ilan sa mga taong nandoon ay puro puti.



Nang may narinig siyang humahagugol 'di kalayuan sa kinatatayuan niya, napalingon siya doon.



Si Julia. Iyak ito ng iyak. Bawat pagpunas nito ng luha ay may kumakawalang hagulgol galing sa bibig nito.



Pinagmasdan niya ito hanggang sa lapitan ito ng ilan sa mga kaibigan niya. Si Seth at JC. Napatingin ang dalawa sa gawi niya at tinanguan lang siya saka inalo ng mga ito si Julia.



Masaya siya dahil nagka-ayos na sila ng mga kaibigan niya. Ilang araw na ang nakalipas ng patawarin nila ang isa't-isa.



Nahagip din ng paningin niya si Nina na nakasalamin ng itim at may hawak na puting rosas. Nasa likuran naman nito ang ilang empleyado ng Lohiaman.



Halos lahat ng tao na kakilala ni Kathryn ay naroroon. Naroroon din ang Daddy niya at ang ibang kamag-anak nila na galing sa iba't-ibang lugar. Biglang umalingawngaw ang tugtog ng isang piano. Mabagal ang nagpapatugtog ng kung sinoman doon.



Napabuntong-hininga siya. Naramdaman niya ang pagkapit ng isang maliit na kamay sa kamay niya. Nakita niyang si Zion 'yon at nakangiti sa kanya ng bahagya. Katulad ng mga naroroon ay may hawak din itong puting rosas.



"Smile, Papa." sabi nito sa kanya. Tumaas lang ang gilid ng kanyang labi saka niya binuhat ang anak. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit.



"Tol.." napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Katsumi 'yon, kasama si Lester.



"Okay ka lang ba?" seryosong tanong sa kanya ni Lester. Tinapik naman siya sa likuran ni Katsumi at nginitian.



"Oo." simpleng sagot niya. Ibinaba na niya si Zion kaya agad tumakbo paalis ang anak niya.



Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Katsumi bago nito tinapik muli ang balikat niya.



"'Wag ka nang mag-sinungaling. Alam naming hindi ka okay."



"Puntahan ko lang sina Seth." paalam sa kanya ni Lester kaya naiwan silang dalawa ni Katsumi doon.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon