CHAPTER 22

2K 59 5
                                    

Zion is pronounced as Za-yon. Para po sa mga hindi nakakaalam. Alam niyo na? :D Hahahaha.

HAPPY 28K reads IILWMBG BOOK ONE!

Para po sa mga demanding na readers sa mga updates, kalma po. Kapag minadali ko ang story, hanggang chapter 25 lang 'to at paniguradong bitin. Marami pang mga mangyayari. Wag masyado excited. :D Chill muna kayo.

- - - - - -

BAGO pa man pumasok si Kathryn sa restaurant kasama ang anak niyang si Zion at si Harry ay tanaw na niya si Daniel at Hope kasama ang anak ng mga ito na masayang kumakain.

"Maybe, we can find another place." sabi ni Harry sa kanya na nakatingin din pala kina Daniel.

Laking pasasalamat talaga niya kay Harry na nasa tabi niya ito. 3 years na silang nasa isang relasyon at mahal na mahal na niya ito. Hindi niya akalaing masusuklian niya ang pagmamahal nito sa kanya.

Simula kasi sa pagbubuntis niya sa anak nila ni Daniel ay hindi siya iniwan ni Harry. Sinundan pa siya nito sa Canada. Inako ni Harry ang responsibilidad na dapat sana ay kay Daniel. Tinanggihan niya 'yon lalo na't alam niyang mali iyon. Ngunit nagpumilit ito. Ilang beses itong lumuhod, lumuha at nagmakaawa para sa kanya. Si Harry na halos gusto siyang patayin noon, ngayon ay mahal na mahal siya.

Tinanggap niya ang pagmamahal nito kaya't hinayaan niya ito sa tabi niya hanggang sa naipanganak niya si Zion. Zion is the best resemblance of Daniel pero hindi niya 'yon binigyang pansin. She loves her baby so much. Zion is her greatest treasure. Kaya ng makita niya ang sobrang pagmamahal din ni Harry sa anak niya ay hindi niya napigilang suklian na rin ang pagmamahal nito sa kanya. Inalok din siya nito ng kasal ngunit tinaggihan niya. Ang nakagisnan tuloy ni Zion na daddy nito ay si Harry ngunit wala siyang problema doon. Masaya pa nga siya. Masayang-masaya.

"No! I want this cute place. Dad please." biglang sigaw ni Zion mula sa likuran ng kotse at dumungaw pa sa kanila.

"Hey, baby boy. Wear your seatbelt." warning ni Harry dito at tiningnan si Zion mula sa rearview mirror.

"Mommy..please.." baling naman nito sa kanya at nagpacute pa.

She ruffled his hair.

"Okay. Hayaan mo na siya, love. It's okay. They didn't matter." nakangiti niyang sabi kay Harry. Totoo naman kasi. Wala na siyang pakialam kina Daniel. Matagal na 'yon plus, she moved on.

"Yes! I won Daddy! Bleh!" at nag happy dance pa si Zion.

"You litle dinosaur, come here." sabi ni Harry dito at kinuha si Zion mula sa likuran saka kiniliti.

Tawa naman ng tawa ang anak niya.

Nang mapagod ang mga ito ay hinawi niya ang tuwid at itim na itim na buhok ng anak niya.

"Let's go." sabi niya at nagsimulang bumaba mula sa sasakyan.

Naglalakad na siya papasok sa restaurant ng narinig niyang may pinagtatalunan na naman si Zion at Harry. Araw-araw ay ganyan ang ginagawa ng mga ito kaya sobrang close ng dalawa at halos hindi mapaghiwalay.

Si Zion, kung umasta ay parang 10 years old gayong 3 years old pa lang ito. Binabalak niya tuloy na dito muna papasukin ang anak niya dahil matatagalan sila ni Julia dito para sa construction ng second branch building ng Lohiaman.

Napangiti siya ng mainit siyang sinalubong ng babaeng nandoon.

"A table for four, Miss." sabi niya at itinuro naman agad nito sa kanila ang isang lamesa. Nahagip ng paningin niya si Daniel na pinupunasan ang mukha ng anak nito.

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon