Manila, Philippines
MABILIS na naglalakad si Daniel papunta sa isa sa mga sikat na restaurant and cafe na katapat lang mismo ng kompanya nila.
Paunti-unti ay napapalago niyang muli ang negosyo nila.
Ang kompanyang hawak niya ay ang naiwan na negosyo ng Mama Karla niya. Noong iwan nito ang kompanya nila ay malapit na itong mailit sa bangko dahil sa dami ng utang. Kaya nagawa niyang paangatin ito ay dahil sa pera ni Geronimo Villacarlos, ang tatay niya.
Ginawan nilang dalawa ng paraan para makilala ang kompanyang itinaguyod ng Mama niya. Pasasalamat na rin daw ito ng Daddy niya sa Mama Karla niya dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.
Nang makapasok siya sa loob ng restaurant and cafe ay agad lumibot ang mata niya upang hanapin ang asawa niya. Napangiti siya ng makita niya itong nakaupo sa gawing bintana at nakatalikod sa direksyon niya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran nito at tinakpan ang mga mata nito.
"Deejay." sabi nito sa kanya habang hawak-hawak ang kamay niya na nakatakip pa rin sa mga mata nito.
He chuckled. Alam na alam talaga nito ang presensiya niya. Naupo siya sa kaharap nitong upuan at saka nangalumbaba sa lamesang kinaroroonan nito.
"Paano mo nalamang ako ito?" nakapout na tanong niya kay Hope.
Magdadalawang buwan na silang kasal ni Hope. Si Mrs. Liza "Hope" Solomon-Villacarlos.
Tatlong taon na ang nakakaraan ng tumigil siya sa paghahanap kay Kath. Sabi ng Daddy niya ay nasa New York ito, pero parang nasuyod na niya ang buong New York ay hindi niya pa rin ito mahanap. Kumuha na siya ng imbestigador pero wala rin itong makalap na impormasyon tungkol kay Kath at kung nasaan ito. Nawalan na tuloy siya ng pag-asa sa pag-aakalang buhay pa ang dalaga.
Nagsimula muli ang pagkakaibigan nila ni Liza noong nagkita sila sa grocery. Simula ng magkakwentuhan sila ay lagi siyang tinatawagan o kaya ay dinadalaw ng dalaga. Mula noon ay naramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Naging komportable siya habang kasama niya ito.
Umamin isang araw si Liza sa kanya na mahal pa siya nito. Kaya binigyan niya ang sarili ng pagkakataon na mahalin muli ito. Hindi niya kayang mawala si Hope. Mahal na niya ito ngayon.
"Of course I knew it was you. Ikaw lang naman ang may pabangong ganyan katapang eh." sabi nito sa kanya.
Tumawa lang siya ng mahina.
"Can you just take away your shades?" sabi ni Hope sa kanya.
"Bakit?" nalilitong tanong niya.
"Because you are too handsome, in case you aren't aware of that, Husband." Liza pointed out.
Dinilaan niya lang ito na parang seven years old na bata.
Tumawa lang naman ito sa kakulitan niya.
Ninoy Aquino International Airport, Philippines
MATUNOG ang bawat yapak ni Kath dahil sa itim niyang six-inched killer heels habang naglalakad siya sa loob ng Airport. Tulak-tulak niya gamit ang kanang kamay niya ang lagayan ng mga gamit niya habang nakasukbit sa kaliwang braso niya ang kanyang branded royal blue na bag. Nakashades siyang itim habang ang buhok niya ay nakaipit lahat paikot.
She opted to wear a white maong shorts that exposed her long and smooth shapely legs with her simple black shirt where the word OBEY was written.
Kung tutuusin ay napakasimple lang ng suot niya pero lahat ay napapalingon sa kanya. Hindi na bago sa kanya iyon. She was a head turner after all.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" sabi ng isang nagmamay-ari ng boses na iyon na biglang sumulpot sa tabi niya. Kagaya niya ay tulak-tulak rin nito ang pinaglalagyan ng mga gamit nito.
"I badly need a rest. You know that." sabi niya at saka nilingon ito.
It was Julia Guerrero. Her one and only best friend. Nakasuot ito ng puting jeans at royal blue na blouse. Nakashades ito katulad niya at nakaponytail ang buhok. Tumutunog din ang heels ng sapatos nitong kulay abo.
"Where we would stay here?" tanong nito sa kanya.
"I bought a hundred million house here in Manila." sagot niya.
Bibihira siyang kumausap ng tagalog sa iba simula ng magising siya mula sa ilang buwang pagkakaratay niya sa ospital. Naging comatose siya for a few months pero thankfully ay nakarecover siya.
Wala siyang amnesia. Naaalala niya lahat. Lahat-lahat.
Ginamit na niya ang pangalang Kathryn Chandria Mendoza. She don't want to be a Del Cielo anymore.
Almost 3 years ago nang mag-migrate sila ni Julia sa California dahil sa nakuha nilang trabaho. At maganda ang kompanyang napasukan nila. Isa iyon sa mga pinakakilalang kompanya sa buong mundo. They did well in terms of increasing the sales. Kaya sila ang pinadala dito upang asikasuhin ang isa sa mga branch ng kompanya. Kung tungkol naman sa buhay niya sa Pilipinas, although everything here is just a call away, she never didn't. Walang siyang alam sa mga nangyari. Ang gusto niya lang ay makalimot.
"You what?!" halos mabingi siya sa ginawang pagsigaw ni Julia.
"Do I have to repeat it again Juls?" bored na tanong niya.
Naghintay sila ng taxi nang makalabas sila ng Airport.
"We'll take a cab for now. My Ferrari will arrive tomorrow." pag-iinform niya rito.
"Bumili ka ng daang milyong bahay pagkatapos ay dadalhin mo rito ang kotse mo?! Anong klaseng paggasta ang ginagawa mo? Are you out of your mind?!" pasigaw pa ring sabi nito sa kanya.
"Will you tone down your voice? Can't you remember that we're here in a public place?" kalmadong sabi niya rito.
"Hah! Seriously? I'm going hysterical over here and yet you still have the guts to be calm?" naiinis na tanong nito sa kanya.
"Why would I worry wasting money? From the first place, it was my money being wasted. Not yours. And you really know that I don't want to go back here. I just don't have a choice." sabi niya rito.
"Fine, fine. Pero anong gagawin mo kung sakaling makita mo siya at makita ka niya?" tanong nito.
"Who?" nalilitong tanong nito sa kanya.
"Si DJ." mahinang sabi nito.
"Nothing. Is he worth it?" sabi niya at saka itinuon ang pansin sa paparating na cab.
Bumuntong-hininga na lang si Julia.
Walang alam si Kathryn pero nandoon pa rin ang galit nito dahil sa pagpatay nilang mag-aama sa Nanay Lorna ni Kath.Pero siya, alam niyang may asawa na si Daniel.
MASAYA pa ring nagkukuwentuhan si Liza at si Daniel sa restaurant and cafe ng biglang mag-ring ang cellphone ni Daniel. Nagpaalam siyang sasagutin niya muna ang tawag saka siya nagpunta sa male's comfort room.
"Bakit tol?" sagot niya ng masagot ang tawag nito.
"...anong ginagawa mo ngayon?" tanong ni Lester sa kabilang linya. Palagay pa ni Daniel ay hindi mapakali ang binata.
"May breakfast date kami ngayon ng asawa ko. Bakit? May problema ba?" tanong niya rito.
"Hehehe. Wala naman." sabi nito na halatang alanganin ang tawa.
"Tol ano ba? Alam kong hindi ka tatawag ng walang importanteng dahilan bukod sa pambubuwisit mo sa akin." sabi niya rito habang kinakamot ang noo.
"Hintayin mo na lang ang isesend ko sayong picture ha? Bye tol. Labyu." sabi nito sa kanya sabay end ng call.
Tiningnan niya lang ang cellphone niya saka bumulong sa sarili ng "Ulol."
Maglalakad na sana siya pabalik ng nareceive niya ang message ni Lester.
Nanlaki ang mata niya.
"Holy sh*t." naibulalas niya ng mabuksan niya ang message nito. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone niya sa pagkabigla.
BINABASA MO ANG
Steal the Bodyguard
ActionFormer Title: I'm in Love with My Bodyguard 2 (book 2 of THE BODYGUARD) After Daniel found out that Kathryn is alive, he decided to find her but failed. He thought he lost her again. He decided to move on and marry Hope, firing up his friends hatred...